Former child star Isabelle de Leon won't say no to sexy pictorials

IMAGE Noel Orsal

Isabelle de Leon is not one to shy away from opportunities. The young actress is also a singer and is also trying her hand at scriptwriting.


Nami-miss na raw ng former child star na si Isabelle de Leon ang heavy acting, katulad ng ginawa niya noon sa 2003 film na Magnifico.

Paano kung may offer sa kanyang project na may seryosong pag-arte, ngunit sexy at daring ang papel niya?

Tatanggapin ba niya iyon kahit maging conflict sa papel niya bilang estudyante sa Kapuso primetime series na Super Ma’am?

Ayon kay Isabelle, “Siyempre, kung maganda yung role, I’m grateful na may offer.

“Pero, siyempre, nirerespeto ko rin yung management na nag-aalaga sa akin.” 

Paano naman kung may offer ang men's magazine na FHM na magpa-sexy siya sa isang pictorial?

Tugon ni Isabelle, “It’s flattering na magkaroon ng offer from FHM, kasi alam ko naman, sobrang… si Madam Marian [Rivera], di ba, number one?"

Binoto nang sexiest female ng FHM (Philippines) si Marian, at makailang beses na itong nag-cover sa magasin.

Dagdag ni Isabelle, “At ang seseksi at ang gaganda po ng mga babaeng nala-lineup po diyan.

“So, sobrang ako nun... very flattering at nakaka-encourage naman na mag-workout pa.”

Bagamat hindi niya isinasantabi ang ganitong posibleng pagkakataon, sa huli'y nasa kanyang management pa rin daw ang desisyon.

“Sa tingin ko, ang pinakamagandang makakasagot niyan, yung management.

“Sa ngayon, hindi ko pa masabi kung ano ang accurate kong sagot para diyan.

“Malalaman po naman natin sa tamang panahon!” sabay tawa ni Isabelle.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Isabelle sa presscon ng Super Ma’am noong September 11.

LASS OF ALL TRADES. Bukod sa pagiging aktres ay singer din si Isabelle.

Sa katunayan, may album siyang pinamagatang Lovezone under PolyEast Records.

“May music po ako na pine-pursue din para magkaroon pa ng iba pang mukha si Isabelle.

“All original, ako po ang nagsulat,” pagtukoy ni Isabelle sa mga kanta sa album niya.

Patuloy ng singer-actress, “Iyon, active naman po ako sa pagsusulat ng kanta, like, ako yung nagsulat ng theme song for the conservation of the Philippine Eagle, 'Ibong Malaya.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I also sang it, and then I wrote the music for it, and it’s endorsed by the undersecretary of DepEd.

“Tapos, katatapos ko lang ding mag-Ricky Lee scriptwriting workshop.

“Nakakatuwa, kasi yung dad ko, siya yung una, yung batch 12, and ako po batch 16 po ako.”

Graduate ang ama niyang si Dean de Leon sa prestihiyosong scriptwriting workshop ng premyadong manunulat na si Ricardo Lee.

Hindi ba mahirap iyon para kay Isabelle na marami siyang gustong gawin—acting, singing, songwriting, at scriptwriting?

“Well, siguro it’s part of exploring din, kung ano ba yung kaya kong gawin, kung saan ako mahina, saan ako malakas.

“So, I believe ang artistry wala naman pong boundaries yun.”

Sa dami ng nais ma-explore ni Isabelle, ano ang priority niya?

“Priority… kung ano yung trabahong dumating, iyon ang tinututukan ko.

“Kung maraming dumating sa music, e, di music yung tututukan ko.

“So, kung acting, kagaya po ngayon may Super Ma’am, yung Super Ma’am po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN