Jackie Forster receives hate messages over birthday message for estranged son Kobe Paras

IMAGE Instagram photo of Jackie Forster

Jackie Forster hits back at basher who dragged her younger son's name in a hate message: "Get a life and stay off my account you judgemental fool."


Gaano man kaganda ang birthday message ni Jackie Forster para sa estranged son niyang si Kobe Paras, hindi pa rin maiwasang masingitan ito ng negatibong komento mula sa ilang netizens.

Sa kanyang Instagram account kahapon, September 19, nag-post si Jackie ng mga larawan niya kasama ang baby pa noong si Kobe.

Si Kobe ang bunso sa dalawang anak ni Jackie sa dating asawang si Benjie Paras. Ang panganay ay si Andre Paras.

Sa caption nito, isinulat ng dating aktres ang mensaheng ito: “Happy Birthday Kobe my love, mama loves you so much. Don't let anybody ever tell you otherwise. Keep that with you wherever life leads. I'll always just be here, praying for you. May the Lord bless you with all that is good for your heart and soul #imissandloveyouandreandkobe”

Ang post ni Jackie ay may mahigit 9,000 likes at mahigit 400 comments sa ngayon.

Karamihan sa mga komento ay words of encouragement para sa celebrity mom.

Ngunit may ilan ding hate messages para kay Jackie.

Katulad na lamang ng komento ng Instagram user na si @qa2105, “That's what you get for being a bad parent. Look at how you barely post any picture of Jared just because he's autistic and you adore your other kids. You're repeating the same mistake.”

Sagot ni Jackie sa netizen: “First of all, Jared is not autistic, second he is 11 years old and has a life and priorities.

“Social Media is the least of his concerns right now and he doesn't have time to play and take photos intentionally.

"I'm not going to make him come to his younger siblings just to be in a photo for me to prove to someone like you that I, HIS MOTHER, LOVE HIM.

“Get a life and stay off my account you judgemental fool.”

Si Jared ang panganay na anak ni Jackie sa kanyang ikalawang asawa. May dalawa pa silang anak: sina Caleigh at Yohan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Halos katulad ng comment ng user na si @qa2105 ang mensahe ng users na sina @reginageorgeswift at @mmutella25.

Hindi na ito pinansin ni Jackie, pero hindi naman ito pinalampas ng ilan niyang followers.





May ilan ding nakiusap sa bashers na huwag idamay ang mga anak ni Jackie kung magbibigay sila ng negatibong komento.






Sa kabilang banda, inulan pa rin ng magagandang mensahe at suporta mula sa netizens ang birthday message ni Jackie para kay Kobe. 







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN