ER Ejercito on ex-President Noynoy Aquino: "Pag makita ko siya, babarilin ko siya talaga."

IMAGE Noel Orsal

Former Laguna Governor ER Ejercito wants to take revenge on former President Noynoy Aquino: "Kailangan makamit namin yung justice. Kasi tinanggal nga ako ni Noynoy, tapos tinanggal si Jinggoy. Magkasunod kaming tinanggal, e. Kaya madami nang atraso ang mga Aquino sa mga Ejercito, e."


Aminado si dating dating Laguna Governor ER Ejercito na masama pa rin ang loob niya kay dating Pangulong Noynoy Aquino.

Si PNoy ang sinisisi ni ER sa pagkakatanggal niya sa posisyon noong 2015, dahil sa campaign overspending noong May 2013 elections.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating Laguna governor sa premiere ng Amalanhig: The Vampire Chronicles, ang launching movie ng anak niyang si Jerico Estregan, na ginanap sa Robinson’s Galleria, Martes ng gabi, September 19.

Nabanggit ni ER na may tinatapos siyang pelikula ngayon, ang SAF 44: The Mamasapano Board Inquiry Report.

Ito ay base sa pagkakapaslang sa 44 miyembro ng PNP Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao, noong January 25, 2015.

Ayon sa 53-year-old actor-politician, “Hinahabol namin sa January 25, sa third anniversary ng SAF 44.

“Regalo ko kay Noynoy Aquino, yung nagtanggal sa akin.”

Sabi ni ER, napatawad na niya ang dating Pangulo, pero hindi raw niya makakalimutan ang pangalang Noynoy Aquino.


Stories We Are Tracking

Governor ER Ejercito to appeal disqualification
Governor ER Ejercito to appeal disqualification
Gov. ER Ejercito says no due process in disqualification case
Gov. ER Ejercito says no due process in disqualification case
<p>ER Ejercito accuses government of

ER Ejercito accuses government of "selective justice&q


ER’S THREAT. Matapang ang pahayag ni ER nang tanungin kung ano ang gagawin niya kung sakaling magkita sila ni PNoy.

“Kay Noynoy? Babarilin ko sa ulo,” seryoso niyang sagot.

“Kaya nga panay ang firing ko ngayon, e. Sumasali sa mga competition.

“Babarilin ko sa ulo si Noynoy Aquino talaga.”

Ulit pa ni ER, “Pag makita ko siya, babarilin ko siya talaga.”

Pagkatapos nito ay nagpatuloy si ER sa pagsasalita laban sa dating Pangulo, at ang hinanakit nito dahil sa ginawa raw sa kanya at sa kanilang pamilya.

Saad niya, “Kailangan makamit namin yung justice.

"Kasi tinanggal nga ako ni Noynoy, tapos tinanggal si Jinggoy. Magkasunod kaming tinanggal, e.

“Kaya madami nang atraso ang mga Aquino sa mga Ejercito, e."

Ang pinsan ni ER na si dating Senador Jinggoy Estrada ay na-detain ng mahigit tatlong taon sa PNP Custodial Center sa Camp Crame dahil sa pagkakasangkot nito sa pork barrel scam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pansamantalang nakalaya si Jinggoy matapos magpiyansa ng halagang P1.33 million sa Sandiganbayan noong Sabado, September 16.


Stories We Are Tracking

Jinggoy thankful for release after three-year detention
Jinggoy thankful for release after three-year detention
Bong on Jinggoy's release from detention:
Bong on Jinggoy's release from detention: "Bittersweet."

Patuloy ni ER, “Tinanggal ni Cory Aquino si Erap bilang mayor nung 1986.

“Tinanggal na naman ni Cory at ni FVR si Erap nung 2001 bilang president.

“Tinanggal ako nung 2014...

“Kaya apat na ang atraso ng pamilya Aquino sa pamilyang Ejercito.

“Kaya pag makita ko si Noynoy Aquino, babarilin ko talaga sa ulo yun.”

Si dating Pangulong Cory Aquino ang ina ni Noynoy, habang si Erap o Joseph Estrada ay tiyuhin ni ER.

Ang FVR na tinutukoy ni ER ay si dating Pangulong Fidel V. Ramos.

CASE AGAINST PNOY. Positibo ang dating kay ER ng posibleng pagsasampa ng kaso laban kay PNoy dahil sa nangyari sa Mamasapano.

Pahayag ng aktor at dating gobernador, “Very happy ako dahil magkakaroon na ng justice kaming mga biktima ni Noynoy Aquino.

“Magkakaroon ng justice para sa akin, kay Governor Gwen Garcia [of Cebu] na tinanggal din niya, kay GMA Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na kinulong niya.

"Para sa namayapang Chief Justice Renato Corona, pagkulong kay Jinggoy, Bong, Enrile, pagtanggal kay Mayor Rama ng Cebu City, kay Mayor Junjun Binay.

"At forced resignation ni Chief PNP Bartolome, at forced resignation din kay Ombudsman Mercedes Gutierrez.

“Marami kaming biktima, actually.

“Pag nakulong si Noynoy Aquino sa mental… ay, sa kulungan, matutuwa kaming lahat na nabiktima ni Noynoy Aquino.”

Kinumusta naman ng PEP kay ER ang mga kasong isinampa laban sa kanya na naging dahilan ng pagkatanggal niya bilang gobernador ng Laguna.

Aniya, “Na-dismiss na yung overspending case, yung overspending daw.

“Ang overspending, si Aquino at si [Mar] Roxas, hindi ako.

“Ako, sumunod ako sa three pesos per voter.

“Dismissed na yung administrative at criminal case na isinampa ng Liberal Party ni Noynoy Aquino sa akin.”

Sinabi rin ni ER na tatakbo siyang muli bilang governor ng Laguna sa susunod na eleksyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nabitin ako, e. Dapat nine years mayor, nine years governor.

“Tinanggal ako bigla ni Noynoy Aquino, dahil tinalo ko yung mga tuta niya sa Laguna, si Joey Lina at Egay San Luis, kaya galit na galit sa akin si Noynoy Aquino.

“Pinilit niya akong tanggalin.

“I was not given my day in court, walang rule of law ang pagtanggal niya sa akin,” himutok ng actor-politician.

KRIS’S REPLY. Nagpadala ng text message ang PEP kay Kris Aquino, bunsong kapatid ni Noynoy, para hingan ng reaksiyon sa mga sinabi ni ER.

Nilinaw muna niya sa amin kung saan ito sinabi, anong event, at anong konteksto kaya ito nasabi ni ER.

Nagpadala si Kris ng ilang pahayag bilang reaksiyon sa sinabi ni ER, ngunit tumanggi siyang ipalathala ang mga ito.

Sa halip ay ipinadala niya ang quote card na nagsasabing: “Silence is the best reply to a fool.”


Dagdag na mensahe pa ni Kris, “This is the perfect answer.”

Tama na raw ang ganung one-liner pero bullseye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN