Ai-Ai delas Alas reveals prenuptial agreement with fiancé Gerald Sibayan

IMAGE Noel Orsal

Ayon kay Ai-Ai delas Alas, ang finacé niyang si Gerald Sibayan mismo ang humiling na magkaroon sila ng prenuptial agreement. 


Inamin ni Ai-Ai delas Alas na may prenuptial agreement sila ng mapapangasawa niyang si Gerald Sibayan, ngunit tumanggi ang Kapuso comedienne na idetalye pa ito.

Pahayag ng 52-year-old actress, “Meron kami, kaya lang confidential.

"Hindi pinag-uusapan dapat. Ayaw ng lawyer.

"Meron, pero hanggang dun lang puwede sabihin."

Ayon kay Ai-Ai, isa rin itong paraan upang mawala na ang pagdududa ng ilan na pera lang ang habol sa kanya ng fiancé, na 23 years old.

Si Gerald daw ang huminging magkaroon sila ng prenup agreement.

Sabi pa ni Ai-Ai, “Usually naman ang nanay ko ang parating may gusto, yung family din ni Gerald.

“And alam mo sa ganyan, para na lang din sa kapayapaan ni Gerald, para wala na siyang basher.

“Pero sa mag-asawa naman, ke normal o artista, wala naman yun, e. Pera lang yun.

"Kumbaga, hindi naman batayan ‘yan ng pagsasama niyo nang matagal, e. Pera lang yun.

"Although kailangan niyo yun bilang mag-asawa, pero hindi yun ang essence ng pagmamahalan."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai sa pocket presscon nito para sa kanyang pelikulang Bes and the Beshies, na ginanap sa Romulo Café, sa may Quezon City, nitong Miyerkules, Setyembre 20.

Kapansin-pansin ang magandang aura ni Ai-Ai nang humarap sa entertainment press.

Kagagaling lang daw niya sa Cebu, kung saan kinunan ang prenup photos and videos nila ni Gerald Sibayan.

Sabi pa ng Kapuso comedy queen, “Masaya siya, ayun, madami ang nag-sponsor, kaya happy.”

Personal daw tinututukan ni Ai-Ai ang lahat ng detalye ng kanyang itinuturing na “first real and right marriage,” pati na ang pagdalo nila sa iba’t ibang marriage seminars.

THIRD MARRIAGE. Ang nalalapit na kasalan nina Ai-Ai at Gerald sa December ay pangatlong pagpapakasal ng komedyana.

Nauna siyang ikinasal noon sa singer na si Miguel Vera, pangalawa sa negosyanteng si Jed Salang.

Ano ang iniisip niya habang nagpi-pictorial sila ni Gerald?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya. Parang feeling ko, dalaga ako... dalaga ako, o!

“Na dalaga ako, na maganda ako.

"Tsaka nagkukuwentuhan kami nang masaya, kaya yung prenup, masaya tingnan.”

Diin pa ni Ai-Ai, “Kaya ako magpapakasal kasi mahal ko si Gerald, at gusto namin magsama forever.

"Noon kasi, maraming mga hidden agenda kung bakit ko gusto magpakasal.

"Gusto ko mang-inis... nakarma din ako nun."

Ano ang natutunan niya sa first and second failed marriages niya?

Tugon ni Ai-Ai, “Marami. Kasi pag nasimulan mo nang mali, natatapos mo nang mali.

"Pareho yun, e, na nag-start nang mali, kasi parehong may third party involved."


WOMEN EMPOWERMENT. Ang Bes and the Beshies ay pelikulang tatampukan ni Ai-Ai, kasama sina Zsa Zsa Padilla, Beauty Gonzalez, at Carmi Martin.

Ayon kay Ai-Ai, may temang women empowerment ang pelikula dahil tumatalakay ito sa mga hamong pagdaraanan nilang apat na magkakaibigan sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Bilang siya ang bes ng tatlo pa niyang beshies, hindi maiwasan ng karakter ni Ai-Ai na tumulong sa problema ng mga ito, kahit na mayroon din siyang sariling dinadalang problema.



Bahagi rin ng pelikula sina Emilio Garcia, Alan Paule, Nikko Natividad, Jon Lucas, at Sancho Vito delas Alas.

Mula sa direksiyon ni Joel Lamangan at panulat ni Ricky Lee, ipapalabas ito sa mga sinehan simula sa October 18.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN