Sunshine Dizon has no time for a new love; sees no reconciliation with estranged husband

IMAGE James Patrick Anarcon

Sunshine Dizon is determined to focus her attention on her children and work after dealing with the aftermath of her failed marriage.


Mahigit isang taon nang hiwalay si Sunshine Dizon sa pilotong si Timothy Tan.

Sa pahiwatig ni Sunshine nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, tila naka-move on na ang Kapuso actress.

“Dire-diretso lang… I don’t want to hold grudges. Sa family life naman, okey naman kami ni Timo,” saad niya.

Wala rin daw pa sa plano o isipan ni Sunshine ang magkaroon ng panibagong relasyon.
 
Sabi niya, “Kung meron man, palagay ko imposible rin, halos wala na akong oras for myself. 

“Trabaho na muna ako at mga anak ko, okey na  yun.”

At sa nakikita raw niya sa dalawa nilang anak na sina Doreen at Anton, “Palagay ko naiintindihan na rin nila.”

Ang hindi raw niya nakikita ay magkakabalikan pa sila ng dating asawa.

“Wala pa ako sa stage na ganun, basta ang sa akin lang, I just live by the moment.

“Kapag okey ang mga anak ko ngayon, e, di okey ako.”

Sabi pa niya tungkol kay Timothy, “In fairness naman kay Timo, maayos naman siya sa mga anak niya.

“Okey na yun, ibigay na natin sa kanya, at saka basta okey ang mga anak ko, okey na rin ako.

“We’re co-parenting so I see him often… he picks up the kids every day sa school.

“Kapag may mga family events din sa school, sama kami.”

Nag-uusap naman daw sila pero, “Ayokong lagyan ng kulay o malisya o isyu ang mga bagay-bagay.
 
“Basta tungkol sa mga bata, sa mga anak niya.

“Kapag meron siyang mga pangako na hindi natutupad at sumama ang loob ng anak ko, e, ibang usapan yun.”

 
 
 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN