Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters "sick and tired" of haters

Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters took to Instagram to address her bashers: "If you can do it so much better, you get on stage and show us how it's done."


Naglabas ng hinaing si Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters hinggil sa pambabatikos ng bashers sa kanya at kapwa niya beauty queens.

Nag-post ng statement ang 25-anyos na Filipino-British beauty queen sa kanyang Instagram stories kahapon, September 19.

"Seriously sick and tired of people taking their frustrations out on us queens,” simula ni Rachel.

Hamon pa niya sa kanyang detractors, “If you can do it so much better, you get on stage and show us how it’s done.

“I was always taught that if you have nothing nice to say, don’t say anything at all.

“Just a friendly piece of advice for all the haters out there.”


Si Rachel ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa 66th edition ng Miss Universe pageant.

Bagamat wala pang katiyakan, posibleng ganapin ang prestigious beauty pageant sa Las Vegas, Nevada, sa November 26.

Kilala ang Pilipinas sa pagiging pageant enthusiast, kaya’t malaki ang expectations sa mga kandidatang ipinapadala sa international pageants, partikular ang Miss Universe.

Sa nakalipas na pitong taon ay palaging pumupuwesto ang Pilipinas sa Miss Universe. 

Sinimulan ito ni Venus Raj nang maging 4th runner-up siya noong 2010.

Third runner-up si Shamcey Supsup noong 2011; 1st runner-up si Janine Tugonon noong 2012; at 3rd runner-up si Ariella Arida noong 2013.

Pumasok sa Top 10 si Mary Jean Lastimosa noong 2014.

Nang sumunod na taon, 2015, nakuha ni Pia Wurtzbach ang Miss Universe crown.

Nito namang 2016 ay umabot sa Top 6 ang kandidata nating si Maxine Medina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN