Ken Chan almost quit showbiz because of a director: "Sinigawan ako nang sinigawan."

IMAGE Noel Orsal

When he was still a newcomer, Ken Chan almost quit showbiz after a director humiliated him on the set. "Sinigawan ako nang sinigiwan, hindi raw ako marunong humawak ng puwet ng babae, e, nahihiya ako nun."


Inamin ni Ken Chan na muntik na siyang mag-quit sa showbiz dahil sa matinding paninigaw sa kanya ng isang direktor noong nagsisimula pa lamang siya.

Pagbabalik-tanaw niya, “Nag-uumpisa pa lang ako sa showbiz nito, nakapasok ako sa isang teleserye.

“Meron po akong scene sa isang leading lady sa GMA-7, at yung eksena, kailangan kong hawakan yung butt ng babae.

“Hindi ako sanay, I was just 17 years old back then, so hindi ko alam, bata pa ako.”

Nagpasya si Ken na huwag na lang sabihin ang pangalan ng direktor at kung anong teleserye ito.

Patuloy na kuwento ng 24-year-old actor, “Sinigawan ako nang sinigiwan, hindi raw ako marunong humawak ng puwet ng babae.

"E, nahihiya ako nun. Kaya kong gawin, pero may camera, ang daming tao.

“Nasigawan ako nang sobra-sobra, na tipong nung umuwi ako sa bahay, kinausap ko si Mama.

"Sabi ko, ‘Ma, hindi na ako babalik bukas, ayoko na. Di ko na kaya.’

"Sobrang sumakit ang puso ko nun."

Ngunit dahil sa payo ng kanyang mga magulang, nagdesisyon si Ken na ipagpatuloy ang pag-aartista. 

Lahad niya, “Pinalakas ng mama ko ang loob ko at ng papa ko.

"Sabi ng mama’t papa ko, ‘Anak, pinasok mo ‘yan. Kung ikaw ayaw mo na, okay lang. Pero kung gusto mo pa, andito lang kami.'

"'And I think tina-try ka lang nung director na yun kung hanggang saan ang kakayahan mo.’

"So, [tumatak] sa isip ko yun.”

Pinalakas din daw ng kanyang fans ang loob ni Ken.

“Kundi dahil sa kanila siguro wala na ako dito. Honestly, nag-give up na ako.”

Dagdag pa niya, “Pero nung nasanay ako, yung experience ko pala na yun, wala lang sa mga nararanasan ko ngayon."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken sa pictorial ng upcoming movie nila ni Barbie Forteza sa Regal Entertainment, ang This Time I’ll Be Sweeter, nitong Miyerkules, September 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipalalabas ang kanilang pelikula sa November 1.


Ken Chan and Barbie Forteza team up for the upcoming movie This Time I'll Be Sweeter. The two have previously paired in the now-defunct primetime series, Meant To Be. (Photo by Noel Orsal)

WORKING AGAIN WITH THE DIRECTOR. Muling nakatrabaho ni Ken ang direktor na nanigaw sa kanya noon, at kinausap niya raw ito.

“Nagka-work kami ulit, niyakap niya ako nang mahigpit ng direktor na yun.

“Sabi ko, ‘Direk, muntik na ako di mag-artista dahil sa 'yo.’ Tawa lang siya nang tawa.

“Sabi niya, ‘Way ko lang yun para tumatag ang isang artista.’

"And she did well sa part na yun na, totoo, naging matatag ako dahil dun.

“Tawa ako nang tawa sa pagpapanggap niya na sobrang taray niya,” saad ni Ken.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN