John Lloyd Cruz IG posts draw extreme reactions from netizens

IMAGE Noel Orsal

"Oo, nagkamali ka, pero humingi ka naman ng paumanhin sa lahat, di mo na kaylangan pang panindigan ang bad boy image mo!!! Magaling kang aktor..." says director FM Reyes about John Lloyd Cruz's latest Instagram post.


Magkahalong pag-aalala at pagkadismaya ang naging reaksiyon ng ilang netizens sa pinakahuling Instagram post ng aktor na si John Lloyd Cruz.

Sa Instagram, gamit ang username na @ekomsi, nag-post ang 34-year-old actor ng larawan ng dumi ng tao sa inidoro.

Ang tanging caption nito: “Kuya gil, kuya allan, ako.”


THE REACTION. Halu-halo naman ang opinyon ng fans at followers sa social media sa post ng Kapamilya actor.

May ilang mga nagsabing huwag husgahan si John Lloyd base sa mga ipinu-post nito sa social media.

Sabi pa ng Instagram user na si @lengwa66, “IG nia yan e. Kung ayaw nio unfollow na lang. Di siya stereotype. He's just being real.”

Halos ganito rin ang mensahe ng Instagram user na si @ameerah_majeed: “There is nothing wrong want he did I mean di rin siya nakakababa ng tingin its just shocking from him and knowing his personality in the TV nakakasa land para sa side ko at never ko siya ginajudge sa side ko lang nasad ako...”





Mapapansin na sa Instagram account ni John Lloyd, bihira siyang mag-post ng kanyang larawan.

Karamihan ng kanyang posts ay kuha ng mga bagay o lugar o kasalukuyang pangyayari sa kanyang buhay.

“BASTOS NA NIYA.” Sa kabilang banda, may ilang nabastusan sa post ng Home Sweetie Home actor.

Pinaalalahanan ng Instagram user na si @ssteplyn si John Lloyd sa pagiging public figure niya: “Your account is public, you are a public figure idolized by a lot of people. You are responsible for all your posts. This is not cool.

Sabi naman ni @gillie_pinoybalot.diwata: "Obvious na binabastos na niya ung mga fans na nagfollow sa kanya... and nakalimutan nya na yata ano work nya... bka gayahin ng mga bata na umiidolo sa kanya yan... wala ba kayong inidoro parang di nyo ang itsura ng inidoro... bastos na niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW





“PARA SA INYO 'YAN...” Sa kabilang banda, may ilan namang nagsabing karapatan ni John Lloyd na mag-post ng kung anumang gusto nito.

Sabi ng Instagram user na si @kayedall: “Hate him or not, may nasasabi pa rin. He can do whatever he wants to. He's happy and what about you guys? Stressing out?”

Ayon naman sa Instagram user na si @mhayannehere: “yan kasi dami nyong alam, issue dun issue dito... push pa kayo ng push na parang kayo may hawak ng utak at puso nila. puro kasi pambabash. para sa inyo yang mga feeling perfect. tae kasi kayo sa buhay niya.”




Paalala naman ng kapwa-aktor na si DJ Durano kay John Lloyd: “Take it easy, bro.”


ARTSY POST. Kasunod ng post na ito, ilang beses ding nag-post si John Lloyd ng likha ng American contemporary visual artist na si George Condo, na kilala rin bilang “Jesus.”

A post shared by portal (@ekomsi) on

Nakapukaw rin ng sari-saring opinyon ang Instagram post na ito ng aktor.

Katulad ng nauna, may ilang nagsabing hindi dapat bigyan ng anumang kulay ang post na ito.



Ngunit marami ang nadismaya dahil umano sa hindi pagrespeto ng aktor sa isang sagradong imahe.


Narito ang isa pang post ni John Lloyd:

A post shared by portal (@ekomsi) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN