Sanya Lopez explains why she failed to attend presscon of her movie

IMAGE Glenn Regondola

Sanya Lopez admits there were "conflicts" with her network, which prevented her from promoting her movie with Jerico Estregan. "Pero naging okay naman po sa kanila nitong huli na," she says.


Nilinaw ni Sanya Lopez ang dahilan kung bakit hindi siya gaanong nakatulong sa pagpu-promote ng pelikulang Alamanhig: The Vampire Chronicle.

Ang naturang pelikula ay pinagbibidahan nila ni Jerico Estregan, anak ni dating Laguna Governor si Jorge "ER" Ejercito.

Nag-react pa nga ang ama ni Jerico sa hindi pagdalo ni Sanya sa presscon ng Alamanhig.

Patutsada noon ni ER sa Kapuso actress: “Sikat na, e! Kapag sikat na, nagbabago ang lahat.”


Stories We Are Tracking

Sanya Lopez no-show at presscon of film with Jerico Estregan
Sanya Lopez no-show at presscon of film with Jerico Estregan

Sa premiere ng Alamanhig sa Robinsons Galleria Cinema noong September 19 ay dumalo si Sanya.

Sa panayam niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ipinaliwanag ng 21-year-old actress kung bakit hindi siya nakadalo sa presscon ng pelikula nila ni Jerico.

"Actually, nagkaroon ng conflict noong umpisa.

"So, medyo nahirapan po ang kabila [GMA Network] na payagan ako.

"Pero naging okay naman po sa kanila nitong huli na.

"Pinayagan na nila ako mag-promote at pumunta..."

POTENTIAL BF. Samantala, ikinatuwa naman ni Sanya ang sinabi ni Jerico na crush siya nito.


Stories We Are Tracking

Jerico Estregan admits to being attracted to Sanya Lopez
Jerico Estregan admits to being attracted to Sanya Lopez

Pahayag ng Haplos actress, "Nakakatuwa na si Jerico mismo ang may sabi na crush niya ako.

"First time ko pong narinig 'yan."

Balak daw ng binata na ituloy ang panliligaw kay Sanya kung mabibigyan ng pagkakataon.

Ano ang reaksiyon ni Sanya dito?

"Why not, why not, di ba?” nakangiting tugon ng Kapuso actress.

"I'm single, and I don't know if single din siya. I'm single."

Single naman daw ngayon si Jerico, na nakausap din ng PEP.ph sa naturang premiere night.

Tinanong namin si Sanya kung sa tingin ba niya ay potential boyfriend si Jerico.

Sagot niya, "Sa tingin ko naman, yes, yes!

"Kasi nung time na magkatrabaho kami, sobrang maalaga niya sa akin. He's very [gentlemanly].

"Nakita ko naman yun sa kanya, at mukhang seryoso naman pati sa relationship."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN