Barbie Forteza to lie low on social media while promoting movie with Ken Chan

IMAGE Noel Orsal

Barbie Forteza wants to show the real side of her via social media: "Kasi ayokong makain masyado ng showbiz, na lahat na lang ng nakikita sa taong iyon, ka-showbiz-an."


Nagdesisyon ang Kapuso actress na si Barbie Forteza na mag-lie low muna sa social media, kasunod ng mga posts niya tungkol sa napapabalitang boyfriend na si Jak Roberto.

Baka raw kasi malito ang mga tao sa pagbi-build up ng tambalan nila ni Ken Chan.

Pagkatapos nilang "magkatuluyan" sa Kapuso primetime series na Meant To Be, magtatambal muli sina Barbie at Ken sa Regal movie na This Time I’ll Be Sweeter.

Paliwanag ng 20-year-old actress, “Para lang di maguluhan ang mga tao kung ano talagang meron.

“Para maka-focus din ako sa movie promotions, kasi pelikula ko rin ito.

"So, I care for this film, so para sa ikabubuti, ikakaayos, at ikakaganda ng pelikula.”

Ngunit dagdag ni Barbie, “Pero sana lang, hindi sila mag-go beyond totally na pagbabawalan nila ako. Kasi, it is my social media account.

“Ako pa rin ang nagma-manage, ako pa rin ang nagha-handle. Pangalan ko yun, e.

“Para sa akin kasi, iba ang personal life and iba yung work.

“Yung Instagram ko is both about my personal and about my work, so hindi naman ibig sabihin kung sino ang katrabaho ko, yun na yung special someone ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie sa pictorial ng pelikula nila ni Ken, nitong Miyerkules, September 20.


After their successful team-up in Meant To Be, Barbie Forteza and Ken Chan cross over to the big screen for the romantic film This Time I'll Be Sweeter. (Photo by Noel Orsal)

WILL STAY TRUE TO HERSELF. Paglilinaw pa ni Barbie, wala siyang pagsisisi sa pag-post niya ng espesyal na namamagitan sa kanila ni Jak.

Saad niya, “No regrets at all.

"Kasi ayokong makain masyado ng showbiz, na lahat na lang ng nakikita sa taong iyon, ka-showbiz-an.

“Gusto ko makilala pa rin ako ng tao kung sino talaga ako.” 

Patuloy ni Barbie, “Ang social media, malaki siyang factor para sa promotions, ganyan-ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero para sa akin kasi, ang social media, form of expressing yung totoong ako.

“Kasi siyempre, ang mga tao, gusto nilang makilala kung sino yung totoong ako.

"Masyado naman silang mapaplastikan sa ‘kin kung puro trabaho yung pino-post ko.”

Nang usisain si Barbie sa lagay ng relasyon nila ni Jak, sinabi nitong mayroon silang mutual understanding. 


Stories We Are Tracking

Barbie Forteza gives thumbs-up to Jak's sexy pictorial
Barbie Forteza gives thumbs-up to Jak's sexy pictorial
Barbie Forteza confirms relationship with Jak Roberto
Barbie Forteza confirms relationship with Jak Roberto


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN