StarStruck alumnus Vivo Ouano on why he has no manager: "Kasi yung ibang manager, gusto nila magsyota, e."

IMAGE File

Vivo Ouano says he's not playing holier-than-thou, but at 27 years old, with a wife and two children, he feels no need to pay attention to managers who want him for a boyfriend in exchange for pushing his showbiz career. 


Nagbabalik sa showbiz ang StarStruck alumnus na si Vivo Ouano pagkatapos niyang masangkot sa isyu ng droga at nakulong noong 2011.

Si Vivo ay naging bahagi ng reality-based artista search ng GMA Network na StarStruck 3, noong 2006.

Kabilang sa batchmates niya sina Arci Muñoz, Jackie Rice, Iwa Moto, Vaness del Moral, at ang yumaong si Marky Cielo.

Noong 2011 ay nahuli si Vivo, kasama ang StarStruck batchmate niyang si Jeric Rizalado, sa isang drug buy-bust operation sa Antipolo, Rizal.

Dalawang buwan siyang nakulong sa detention center sa Camp Crame, pero nakalaya rin matapos ma-dismiss ang kaso laban sa kanya.


Stories We Are Tracking

<em>StarStruck </em>Avengers Vivo Ouano and Jeric Rizalado arrested in drug buy-bust operation
StarStruck Avengers Vivo Ouano and Jeric Rizalado arrested in drug buy-bust operation
Vivo Ouano still keeps mum on involvement in drug buy-bust operation
Vivo Ouano still keeps mum on involvement in drug buy-bust operation
Drug charges against<em> StarStruck </em>alumni Vivo Ouano and Jeric Rizalado dismissed by DOJ
Drug charges against StarStruck alumni Vivo Ouano and Jeric Rizalado dismissed by DOJ
Vivo Ouano finally free after more than two months’ detention in Camp Crame
Vivo Ouano finally free after more than two months’ detention in Camp Crame

Ayon kay Vivo, nagdadalawang-isip pa rin siyang bumalik sa pag-aartista dahil wala naman daw nangyari sa kanyang career noong nasa GMA-7 pa siya.

Kaya nang bumalik, at lumabas siya sa ABS-CBN drama series na Wildflower, nag-iisip daw siya kung itutuloy ba niya ito.

Pahayag ng aktor, “Siguro, gusto na rin ng Diyos kaya ako nakabalik dito.

“Siyempre, nag-ask ako sa Kanya ng guidance kung para sa akin ba ‘tong showbiz o hindi.

“Tapos, nagsubok-subok ako ng audition, ayun, nag-audition ako sa ABS, nagka-show naman.

“Tapos, eto sa stageplay, nag-audition din ako, nakuha naman.”

Bahagi si Vivo ng sex-comedy stage play, Solo Para Adultos (For Adults Only), na mapapanood sa Music Museum sa October 20.

Patuloy niya, “Nung nasa GMA kasi ako, matagal akong nakatengga, e. Wala akong trabaho.

“Siguro bilang wala akong manager, walang tumutulong.”

Nakausap ng PEP.ph si Vivo sa rehearsal ng Solo Para Adultos, sa The Performing Arts and Recreation Center (PARC) Foundation, sa may San Juan City, noong Martes, September 19.

SPECIAL OFFER. Ibinahagi ni Vivo sa PEP.ph na wala siyang makuhang mag-manage ng career niya dahil iba raw ang gusto sa kanya.

“Kaya hanggang ngayon wala akong manager, kasi yung ibang manager, gusto nila magsyota, e,” diretso niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino ang nag-offer na i-manage siya pero relasyon ang kapalit?

“Maraming nag-aalok sa ABS,” walang kagatul-gatol na sagot ni Vivo.

Dagdag niyang kuwento, “Mga secretary nila nagti-text sa akin, e, na, gusto ka i-meet ni ganito, tapos tutulungan ka.

“Yung secretary nila ang kaliwang kamay. Sila yung nag-o-offer, gusto makipagkita, ganun.”

Hindi naman daw sa nagmamalinis siya, pero 27 years old na siya, may asawa’t dalawang anak, kaya hindi raw niya kailangan pang gawin iyon.

At baka hindi naman daw talaga showbiz ang nararapat para sa kanya.

Sabi ni Vivo, “Wala. Dedma na lang.

“Kasi, gusto ko sumikat sa kakayanan ko.

“Ayokong sumikat dahil magsyota kami, ganun. Tapos inano niya ako.”

Wala siyang binanggit na pangalan, pero marami raw siyang alam na kumagat sa ganung kalakaran.

“Tanong natin sa mga sikat,” nakangiting sabi ni Vivo.

“Marami talaga, e. Totoo talaga yun, e,” giit niya.

Kaya napag-isip-isip daw ni Vivo, kung wala pa ring mangyayari sa kanyang showbiz career pagkatapos ng stageplay na gagawin niya, puwede naman daw siyang tumulong sa trabaho ng misis niya.

“Sa akin, kung hindi talaga sa akin ang showbiz, hindi ko na rin ipipilit.

“Like before, tumigil kasi ako ng almost five years.

“After nung nangyari sa akin, sabi ko ayoko na mag-artista, pahinga na lang ako.

“Tapos yun, nagka-baby. Matagal din akong tumigil.

“Sabi ko, hindi ko na lang ipipilit kung wala na talagang magkagusto sa akin, 'tigil ko na lang,” seryoso niyang pahayag.

VIDEO SCANDAL. Hindi rin itinanggi ni Vivo ang kumalat na sex video niya noon.

Hindi raw niya napanood kung ano ang video na iyon, pero inamin niyang mayroon siyang ginawa noong kabataan niya.

“Siyempre, parang kabataan nun. Daming nangungulit, e.

“Kung ano yung kumalat, siguro. Kung ano yung nakita niyo… enjoy. Yun na yun.

“Hindi mo maiwasan yun bilang lalaki, e,” pahayag ni Vivo.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN