Luis Manzano not attending Billy Crawford-Coleen Garcia wedding?

IMAGE Noel Orsal

Luis Manzano on the event that he cannot attend the wedding of Billy Crawford and Coleen Garcia: "Kung hindi man sakali, sa honeymoon na lang ako sasama, dun na lang ako sa labas ng room!"


Malaki ang posibilidad na hindi makadalo si Luis Manzano sa kasal ng malapit niyang kaibigan na si Billy Crawford.

Ikakasal si Billy sa aktres na si Coleen Garcia sa summer 2018.

Sabi ni Luis, “Hindi ko alam kung according to yung… baka hindi nga ako makapunta sa wedding niya.

“Baka, baka... parang yung date, baka maging conflict sa isang kailangan kong gawin. Baka, so...

“Unless, hindi ko alam kung iyon na yung final date.

“Sabi  ko, kung hindi man sakali, sa honeymoon na lang ako sasama, dun na lang ako sa labas ng room!” pagbibiro pa ng Kapamilya TV host-actor.

Alam na raw ni Billy na posibleng hindi makarating si Luis sa napakaimportanteng araw na iyon.

“Sabi ko, ‘Billy Boy, kung ito pa rin yung magiging date, baka hindi ako makapunta.’

“Sabi niya, ‘Hindi,’ ganyan-ganyan.

“Sabi ko, sa honeymoon nga ako pupunta.

“Yung breakfast after, dun na lang ako hahabol.

“Pero yung date itself ng wedding, malabo ako.

“Breakfast after [the wedding], oo.”

Kung sakali, ano ba ang partisipasyon niya sa kasal? Kasama ba siya sa entourage?

“Siguro, siguro on his side,” sabi ng 36-year-old Kapamilya star.

Best man ba siya?

“No, kasi may kapatid siya, meron na siyang mga mas matatagal pa na best friend, na I think mas deserved nila yung title na maging best man.

“Baka [isa sa mga] groomsmen.”

Gustuhin man daw ni Luis na i-cancel ang kanyang previous appointment para maka-attend sa kasal nina Billy at Coleen ay hindi maaari.

“Ita-try ko, pero kasi kontrata na, e! Mahirap-hirap, e, it’s under contract, may commitment na.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis sa early dinner bonding niya kasama ang mga miyembro ng Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC), sa Shakey’s Paseo de Magallanes, Makati City, kahapon, September 21.

Si Luis ang napiling Darling of the Press sa 33rd PMPC Star Awards for Movies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WEDDING GIFT. Ano ang plano niyang iregalo sa kasal? Mayroon na ba siyang binili o may sasagutin ba siya sa kasal o reception?

“Kuwento!” at tumawa si Luis.

Wala nga siya sa kasal, paano siya magkukuwento?

“Yung morning after nga, siyempre yung unang morning nilang mag-asawa, sabi ko, dun ako sa honeymoon nila, dun sa breakfast, kuwentuhan kami,” biro ng I Can See You Voice host.

Pero seryoso niyang dagdag, “Siguro kung anong kailangan ni Billy Boy.

“Pero si Billy Boy naman, ang daming raket din niyan, e.

“Something na special lang na bilang isang kapatid din.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN