Baron Geisler grateful for lifting of PAMI ban; actor willing to include no-drinking clause in his contract

IMAGE Nerisa Almo

Instead of constantly apologizing for his shortcomings, Baron Geisler said, "Sa tingin ko, mas matutuwa sila kung gagawin ko through my work instead of, like, panay-panay na lang ang apologize. Ipapakita ko na lang."


Maaari nang makipagtrabaho muli si Baron Geisler sa talents ng mga miyembro ng Professional Artist Managers, Inc. (PAMI).

Sa tulong ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson na si Liza Diño-Seguerra, napakiusapan ang PAMI na bawiin na ang kautusang pagpipigil sa kanilang mga talent na makipagtrabaho sa kontrobersiyal na aktor.

Masayang ibinalita ni Baron ang tungkol dito sa kanyang Facebook post kahapon, September 21.

Pahayag ng 35-year-old actor, “Maraming salamat sa kaibigan kong si FDCP CHAIR Liza Diño-Seguerra sa pakikipag-usap sa PAMI.

"Ngayon ay na lift na po ang ban sa akin. God bless you kapatid."

Noong December 2016 ay pinagbawalan ng PAMI members ang kanilang mga hawak na artista na makatrabaho si Baron.

Ito ang naging desisyon nila matapos maghain ng reklamo ang aktor na si Ping Medina laban kay Baron.

Kaugnay ito ng nangyaring insidente sa set ng indie film na ginagawa ng dalawang aktor, kung saan inihian ni Baron si Ping kahit hindi naman iyon kasama sa script.


Stories We Are Tracking

Baron Geisler apologizes, accepts PAMI sanction
Baron Geisler apologizes, accepts PAMI sanction
Baron Geisler earns ire of Ping Medina
Baron Geisler earns ire of Ping Medina



THANKFUL. Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Baron sa pamamagitan ng telepono kahapon, September 21.

Dito ay ikinuwento ng aktor na nang magkita sila ni Liza sa Venice Film Festival noong July, pinakiusapan niya ang FDCP chairperson na kausapin ang PAMI upang tanggalin na ang ban sa kanya.

Kinuha na rin daw niya ang pagkakataong iyon upang personal na humingi ng paumanhin sa asawa ni Aiza Seguerra dahil sa hindi nila pagkakaunawaan noon.

Lahad ni Baron, “Nag-apologize ako in person na rin.

“Then, I asked her, 'Kapatid, baka puwedeng tulungan mo akong kausapin yung PAMI.'

“Ayun, sabi ko, baka puwede akong tulungan kausapin sila, kasi may mga darating akong proyekto, sana bago yun.”

Sa pamamagitan ng Facebook messenger, ipinarating ni Liza ang magandang balita kay Baron kahapon, September 21.

Kasabay raw nito ang isang pakiusap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, 'Okay na lahat. Basta promise mo sa akin na huwag ka nang iinom, lalung-lalo na sa trabaho.'

“Then, I said, 'Of course naman, kapatid, ginagawan ko ng paraan lahat and I'm doing my best.'

“'But try harder,' sabi niyang ganyan.”


LIFE IS HARD. Aminado naman si Baron na lubos na naapektuhan ang kanyang showbiz career dahil sa ban ng PAMi sa kanya.

Simula raw kasi nang pumanaw ang kanyang ina na si Gracia Bayoneto noong January 2017, “Wala akong tuluy-tuloy na work.”

Pero tanggap naman daw ito ni Baron dahil alam niya ang kanyang mga nagawang pagkakamali.

“Alam kong marami akong days, paulit-ulit, na mga shenanigans na nangyari sa industriya o sa mga co-actors ko.

"Sabi ko, sige, I'll accept this, itong lesson na ito na gustong ituro sa akin.

“Of course, nagdadasal pa rin ako. I'm waiting na magkaroon ng steady na project, kasi ang hirap mag-isa.

“Yun mga kapatid ko, may mga sariling pamilya na.

"Hindi naman ako puwedeng basta-basta pumasok sa buhay nila dahil they have kids din."

Dagdag niya, “Siyempre, kahit papaano, gutom. Gutom ako both sa craft at saka sa buhay.

“Pero at least, blessing pa rin. Dasal lang talaga, e. Dasal ako nang dasal.

“Basta sobrang proud ako sa sarili ko.

"Sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos sa lahat ng blessings."

Ilan sa ipinagpapasalamat ni Baron ngayon ay ang pagiging bahagi niya sa stage play na Aurelio Sedisyoso, at sa pelikulang kasalukuyang ginagawa ni Brillante Mendoza, ang Right to Kill.

CHANGE IS COMING. Alam din ni Baron na dahil sa kanyang mga nagawang pagkakamali, nagkaroon na siya ng hindi magandang imahe sa mga kapwa aktor, talent managers, at iba pang bahagi ng showbiz.

Gayunman, sa pagkakataong ito, handa raw siyang patunayan at ipakita ang pagbabago sa sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Naisip ko nga rin, kung magkaproyekto nga ako, for the peace of mind of my co-actors and peace of mind of the production team and the director, kahit na maglagay pa siguro sila ng clause sa kontrata...

"Parang, 'If we smell you like alcohol, we can waive your talent fee' or just fire me right away.

“Handa naman ko to do that, which is also good para sa peace of mind ng lahat.

“Up to that extent, papayag ako para lang, you know, makatrabaho ako nang maayos.”

Tinanong din ng PEP.ph kung may plano siyang kausapin ang nakabanggaang si Ping.

Sagot ni Baron, “I think the best thing to do... Kasi ilang beses na akong nag-apologize kay Ping sa Facebook, I've been messaging him, and sa number niya...

"I think the best thing to do now is to just show it to them na lang.

“Kasi, kahit anong mangyari, in the next few years, I don't know, sana patawarin din naman nila ako, kasi matagal ko na ring kaibigan si Ping.

“I'm wishing na magkaayos din kami.”

Diin niya, “Sa tingin ko mas matutuwa sila kung gagawin ko through my work instead of, like, panay-panay na lang ang apologize. Ipapakita ko na lang.

“I just wanna work and do my job properly.”


Stories We Are Tracking

Ping Medina still not ready to forgive Baron Geisler
Ping Medina still not ready to forgive Baron Geisler


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN