DOJ junks Deniece Cornejo's rape charges against Vhong Navarro

IMAGE Noel Orsal / Allan Sancon

Vhong Navarro's camp is grateful and overwhelmed by the decision of the Department of Justice to junk the rape cases filed by model Deniece Cornejo against the actor-TV host. 


Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang dalawang kaso ng rape at attempted rape na isinampa ni Deniece Cornejo laban sa It’s Showtime host na si Vhong Navarro.

Ayon sa ruling ng DOJ, hindi raw kapani-paniwala ang testimonya ni Deniece sa insidente noong 2014.

Sa resolution ng DOJ sa kaso, na may petsang September 6, 2017, nakasaad na si Deniece “suffers from a very serious credibility issue.”

Nakita ng DOJ sa three-page complaint affidavit ng modelo na may “inconsistency in the demeanor after the supposed rape incident on January 22, 2014 shown in CCTV footage.”

Inconsistent daw ang ikinilos ni Deniece para sa isang taong pinagsamantalahan.

Binanggit din sa resolution ang nakita sa CCTV na paghahalikan ni Deniece at ng businessman na si Cedric Lee sa loob ng elevator matapos dalhin sa presinto si Vhong.

Isa si Cedric sa mga itinuturong nambugbog kay Vhong sa loob ng condo unit ni Deniece, sa Taguig City, noong January 22, 2014.

Tatlong imbestigasyon ang isinagawa ng DOJ hinggil sa mga kaso ni Deniece laban kay Vhong.

Nakita ng ahensiya na ang kredibilidad ng istorya ni Denice "has been passed upon and ruled to be questionable."

Nagsampa ng dalawang hiwalay na kaso ng rape si Deniece laban kay Vhong noong 2014.

Sinabi niyang pinagsamantalahan umano siya ng dancer-comedian noong January 17 at January 22.


Stories We Are Tracking

Vhong Navarro reveals ordeal; identifies perpetrators
Vhong Navarro reveals ordeal; identifies perpetrators
Vhong files multiple cases against Cedric, Deniece
Vhong files multiple cases against Cedric, Deniece
Cedric, Deniece slapped with serious illegal detention raps
Cedric, Deniece slapped with serious illegal detention raps
Deniece Cornejo files rape case against Vhong Navarro
Deniece Cornejo files rape case against Vhong Navarro

THANKFUL VHONG. Samantala, sa pamamagitan ng kanyang manager at direktor na si Chito Roño, nagpadala ng mensahe si Vhong sa ABS-CBN reporter na si Mario Dumaual.

“Grateful” at “overwhelmed” daw ang It's Showtime host sa desisyon ng DOJ.

Ipinost din ni Mario ang statement ng legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga hinggil sa pagkaka-dismiss ng kaso ng kanyang kliyente:

“We are very happy that the DOJ has finally dismissed the rape complaint filed by Deniece against Vhong, the 3rd in a series of failed attempts, to do him harm through a palpably and demonstrably false accusation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The fight continues with respect to the trial of cases of serious illegal detention and grave coercion filed by Vhong against Deniece and her co-accused.

"We are grateful to the DOJ."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN