Agot Isidro reveals what turned her off about President Duterte

IMAGE Allan Sancon

Agot Isidro joins other celebrities and people from different sectors in commemorating the 45th anniversary of the declaration of martial law in the Philippines, at the Luneta Park, Thursday, September 21. "Kailangan ginugunita natin yung mga nangyari dati para matuto tayo at hindi ito maulit," says Agot.


Kabilang ang actress-singer na si Agot Isidro sa nakiisa sa paggunita ng ika-45 anibersaryo ng pagdedeklara ng martial law sa Pilipinas ng diktador at dating Pangulo na si Ferdinand Marcos.

Ito ay ginunita sa pamamagitan ng protest rally na inorganisa ng Movement Against Tyranny (MAT) sa Luneta, kasabay ng National Day of Protest, September 21.

Ang MAT ay nabuo noong August 28 bunsod ng galit ng mga tao dahil sa pagpatay kay Kian delos Santos at iba pang mga kabataan, na konektado sa drug war ng administrasyong Duterte.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Agot sa backstage ng Luneta Grandstand, sinabi nito ang kahalagahan ng paggunita sa martial law.

“Siguro kailangan lang talaga gunitain natin yung nangyari nung martial law.

“Kasi there’s always, you know... our society now is very fragile.

“Hindi natin alam kung anong mga susunod na mangyayari.

"So, kailangan ginugunita natin yung mga nangyari dati para matuto tayo at hindi ito maulit.”

Walong taong gulang pa lamang daw si Agot nang ideklara ni Marcos ang martial law, na tumagal ng siyam na taon.

Ano ang naaalala niya noong panahon ng martial law?

Ayon sa actress-singer, “I remember the curfew.

“I remember na walang masyadong program sa TV.

“I remember na si Marcos lang halos nakikita sa TV, siya lang.

“Yun ang natatandaan ko.”

Dagdag niya, “Nag-school lang ako nun, e. Hindi naman ako puma-party.

“Pero yung mga sisters ko, yun, puma-party sila. So, hindi sila lumalabas masyado.”

DUTERTE CRITIC. Isa si Agot sa kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Madalas ding maging laman ng balita ang aktres dahil sa pagpuna niya sa mga nangyayari sa bansa, partikular na ang pamamalakad ng gobyerno.

Sa isang punto nga ay tinawag pa niyang “psychopath” ang presidente.

Paano ba ito nagsimula?

Pahayag ni Agot, “Something inside me just... nag-awaken sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi na-turn off ako sa mga pagmumura. Kasi napaka-basic nun, e, di ba?

“Yung pagmumura, hindi lang ng kung sinu-sino, pati head of the state, minumura.”

Kilala si Pangulong Duterte sa pagpapakawala ng mga mura at maaanghang na salita sa mga tumutuligsa sa kanya at sa pamahalaan.

Patuloy ni Agot, “Since then, binigyan ko naman ng chance.

“Actually, hindi lang naman President Duterte, kundi yung pamamalakad lang niya, and later on, hindi ako agree sa mga desisyon niya na nangyayari ngayon.”

Pagkatapos nito ay tinukoy ni Agot ang mga patayang nagaganap kaugnay ng maigting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

“Tapos, nakikita ko yung patayan. Kailangan bang patayin?

“Di ba, may rule of law? May proseso ‘yan, e. Bakit kailangang patayin?

“Saka hindi naman porke’t gumagamit, kailangang patayin… misguided.

“I really think it’s a social and health issue, not a criminal.”

“Yun lang. Yun ang nag-awaken sa akin.”

IGNORING BASHERS. Dahil din sa paghahayag niya ng opinyon, madalas ding kuyugin sa social media si Agot ng mga masugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte.

Pero hindi raw apektado rito ang actress-singer.

Saad niya, “Hindi ako naaapektuhan.

“Sinigurado ko sa pamilya ko and sa love ones ko kung apektado sila.

“Sila naman, since nakikita nila na hindi ako apektado, okay sila. So, okay, ganun.”

Patuloy ni Agot, “Kasi alam ko naman yung totoo, e. I am just speaking out.

“We’re still in a democracy. So, feeling ko, I am still free to speak out my mind.

“As others, ganun din naman sila. So, free din sila mag-bash sa akin.

“Pero hindi ako naaapektuhan.

Ano ang pinakamatinding pamba-bash na natanggap niya?

“Marami,” sagot ni Agot.

“They can call me names, they can call me like ‘baog,’ ‘kaya iniwan ng asawa,’ may ‘drug lord...’ mga ganun. “

Pero diin niya, “That doesn’t bother me at all. Hindi talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya maghanap pa kayo ng iba-bash sa akin kasi talagang, sorry, hindi ako apektado.”

FAKE NEWS. Binanggit naman ni Agot ang isang insidente kung saan kinailangan niyang sumagot sa social media.

“Siguro yung isa lang, yung fake news about me na nasa Boracay daw ako, tapos pinaaalis ako, ganyan.

“Hindi din ako apektado dun.

“Pero kasi, medyo maraming tao na rin ang nag-advice sa akin na, ‘Agot, siguro dapat kailangan magsalita ka na, kasi parang naniniwala na yung ibang tao.’

“Hindi naman sa affected, pero I had to clear that one.”

Pero hindi raw siya natitinag na maghayag ng sarili niyang opinyon.

“Hindi. That’s my belief e. It’s my values. That’s my principle.

“They can bash me. Puwedeng taliwas sa kanila. They can always contest it.

“We’re still in a democracy,” pahayag ni Agot.

Ano naman ang mesanhe niya sa administrasyon ngayon?

Ayon kay Agot, “Service for the people, not for yourselves, not for your own gains, but think of the people.

“Because that’s why you are there: to serve the people.”

MARTIAL LAW ANNIVERSARY. Maliban kay Agot, ang iba pang celebrities na dumalo sa protest rally sa Luneta kahapon, September 21, ay sina Cherry Pie Picache, Celeste Legaspi, Pen Medina, Direk Carlito Sigeon Reyna, Bibeth Orteza, Bituin Escalante, Pinky Amador, Joel Saracho, Juan Miguel Severo, at marami pang iba.

Sabay-sabay na umakyat sa entablado ang celebrities at inawit ang Tagalog version ng “Do You Hear the People Sing” mula sa musical na Les Miserables, na pinamagatan nilang “Di N’yo Ba Naririnig?”

Isinalin ito sa Tagalog ni Vincent de Jesus, at additional lyrics nina Rody Vera at Joel Saracho.

Pagdating ng alas-otso ng gabi ay sabay-sabay nilang kinalembang ang kanilang mga dalang kampana, kasabay ng pagbatingaw ng mga kampana sa iba’t ibang simbahan sa bansa, bilang pakikiisa ng Simbahang Katolika sa campaign na “Stop The Killings.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsalita rin si Juana Change (Mae Paner) suot ang mistulang duguang damit at may make-up na kunwari'y binaril ulo.

Isa raw siyang biktima ng tokhang.

Narito ang ilang kuha mula sa martial law anniversary sa Luneta kahapon:














WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN