Cherry Pie Picache voices her protest against extrajudicial killings

IMAGE Allan Sancon

Cherry Pie Picache: "You speak up, you stand for what you believe in... Kailangan ipaalala natin sa mga Pilipino, sa atin, kung ano tayo talaga. Matulungin tayo sa kapwa; yun ang buhayin natin na damdamin. Hindi itong kultura ng pagpatay, ng pagganti, ng galit, ng poot, hindi tayo yun, e."


Sa kabila ng malakas ng buhos ng ulan sa Luneta ay dinagsa pa rin ng mga tao ang martial law anniversary rally kahapon, September 21, 2017.

Kabilang si Cherry Pie Picache sa mga artista at entertainers na sabay-sabay umakyat sa entablado at inawit ang Tagalog version ng “Do You Hear the People Sing” mula sa tanyag na musicale na Les Miserables.

Pinamagatan itong “D N’yo Ba Naririnig?” sa translation ni Vincent de Jesus at additional lyrics nina Rody Vera at Joel Saracho.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cherry Pie, inusisa namin siya tungkol sa kanyang karanasan noong panahon ng diktador na si Ferdinand Marcos.

Lahad ng 47-anyoos na aktres, “Actually, martial law baby ako, if it’s right to say, kasi 1970, parang ganun.

“Bata pa ako nung panahon na yun… I think I was 7 to 8 years old.

“Ang natatandaan ko lang ay yung mga METROCOM, kasi may curfew.

“Yung mga sisters ko nagpa-party, so nahuli sila ng METROCOM dahil lagpas na ng curfew.  

“Pero yung iba, sa history na natin napag-aaralan, kailangan mo pag-aralan kung ano yung mga pinagdaanan natin.”

Ang METROCOM o Philippine Constabulary Metropolitan Command ay ang binuong special strike force na tutulong sa kapulisan sa pagsugpo ng mga krimen noong panahon ni Marcos.

Dahil bata pa nga raw siya, hindi pa masyadong malinaw kay Cherry Pie ang kabuuan ng martial law.

Sabi niya, “Siyempre hindi pa, nagkaroon ako talaga ng kamuwangan nung EDSA Revolution.

“Namulat ako talaga nung EDSA Revolution, so from there, babalikan mo kung ano talaga yung mga nangyari sa atin.

“Tapos ngayon, moving forward, nangyari yung EDSA Revolution, patuloy mong gina-guard yun.

“Dapat alam mo yung freedom na binabantayan mo, so aware ka, nagbabasa ka.

“Then, you form na kung ano ang dapat mong paniwalaan, mga prinsipyo mo, mga ideas mo habang lumalaki ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, alam mo kung ano yung tama at mali.”

Ang EDSA Revolution o People Power Revolution ang mapayapang protesta na ginawa ng mga Pilipino noong February 1986, na naging daan upang mapatalsik sa puwesto si Marcos.

SPEAKING UP. Vocal din si Cherry Pie sa paghahayag ng opinyon sa political issues at active din siya sa social media.

Pahayag niya, “Oh, yes, actually, hindi lang naman din sa mga nangyayari ngayon.

“I was against VAT, isa ako sa mga nag-rally, kami ni Direk Carlitos [Siguion-Reyna], yung sa anti-bases. I was anti-death penalty.

"Yung mga issues na pinaniniwalaan ko, I stand for it, I speak up on it.

“Ito, yung nanganganib na pagbabalik ng martial law, kailangan manindigan tayo.

“Yung respect for life, yun ang calling natin ngayon, to stop the killings.

“Tigilan yung kultura ng violence, ng vengeance, ng hatred.

“Kailangan ipaalala natin sa mga Pilipino, sa atin, kung ano tayo talaga.

“Mapagmahal tayong mga tao, e, we’re kind, resilient tayo.

“Yun yung ang dapat nating buhayin, matulungin tayo sa kapwa. Yun ang buhayin natin na damdamin.

“Hindi itong kultura ng pagpatay, ng pagganti, ng galit, ng poot. Hindi tayo yun, e."

Patuloy ng aktres, “Let’s remind ourselves about this martial law, ang tagal nating inalagaan para ipaglaban yung demokrasyang nae-enjoy ng bawat isa ngayon.

“Kailangan alagaan natin yun, huwag nating pabayaan.

“At yung karapatang pangtao, kahit sinong nilalang.

“Kaya nga may batas, e, everybody is entitled to due process and law.”

Bilang artista, ito nga raw ang magagawa niya.

"You speak up, you stand for what you believe in.

“Then, hopefully, kahit papa'no, makapukaw ka sa isip ng karamihan na sana mag-isip tayo.

“Let’s reflect, magdasal tayo, alamin natin yung para sa atin, na kahit papa'no, sana makaimpluwensiya ka.

“I think, everyone who’s here, yun ang pakay, yung magising tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag-isipan natin, magdasal tayo, alamin natin… higit sa pagiging artist, bilang human being, bilang Pilipino, yun, e.”

STOP THE KILLINGS. Kaibigan ni Cherry Pie si Liza Diño-Seguerra, na ngayon ay naglilingkod sa gobyerno ni President Rodrigo Dutente bilang bilang chairman ng Film Development Council of the Philippines.

Sa kabilang banda, si Cherry Pie naman ay kritiko ng pamahalaang Duterte.

Pero hindi raw ito issue sa kanya.

“Wala yun, lahat para sa ikauunlad ng bansa natin.

“She’s doing a very good job, bakit hindi natin siya suportahan?"

Patuloy ng aktres, “Ang ayaw mo lang naman, yung mga nangyayari sa gobyerno, and yun din yung gusto kong iparating sa Presidente.

“Ang dami mong pagkakataon, there’s still a chance to make it better, to stop the killing, at ikaw ang nasa posisyon to do that.

“So, baka mamaya, mag-isip ka rin, ayaw natin ng away, we want to be at peace.

“Katulad ng sinasabi ni Pen [Medina], huwag natin awayin.

“Ipaintindi natin na mamulat ang Presidente. Magtulung-tulong tayo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN