Kris Aquino impersonator Kenneth "Tetay" Ocampo thankful that he survived pancreatic cancer

IMAGE Instagram/divinetetay

"Oo, umiyak ako paglabas ko sa clinic. Hindi lang ako nakapag-walling, pero that time ang pangit ng iyak ko, hagulgol sa parking," related Kenneth "Tetay" Ocampo when his doctor told him about his pancreatic cancer. Tetay is cancer-free now and will soon celebrate his 14th year of being together with his boyfriend.


Hindi na itinatago ng gay comedian at Kris Aquino impersonator na si Kenneth “Tetay” Ocampo ang pinagdaanan niyang emotional and physical pain dahil sa sakit na pancreatic cancer.

Sa programa ng GMA-7 na Tunay Na Buhay noong nakaraang September 20, ikinuwento ni Tetay ang matagal niyang itinagong sakit at kung paano niya napagwagian ito kaya matatawag siyang isang cancer survivor.

Ayon kay Tetay, noong ma-diagnose niya ng kanyang doktor na meron siyang pancreatic cancer, agad na naisip niya ay malapit na siyang mamaalam sa mundo.

“Sinabi ng doktor, ‘May cancer ka.’

“Sabi ko, ‘Ikaw naman, doc, hindi ka naman mabiro. Sana dinahan-dahan mo naman.’

“I feel like I'm going to die soon, seriously.

“Kahit hindi pa nae-explain sa akin yung sakit ko, pumasok na sa isip ko na I wanna do a lot of things pa,” pahayag pa ni Tetay.

Hindi raw napigilan ng komedyante na umiyak nang umiyak noong finally ma-realize niya ang tungkol sa kanyang sakit.

“Oo, umiyak ako paglabas ko sa clinic.

“Hindi lang ako nakapag-walling, pero that time ang pangit ng iyak ko, hagulgol sa parking,” natatawang naiiyak na pagkuwento pa niya.

Tatlong buwan daw na dumaan sa pagpapagamot si Tetay, pero hindi ito ang naging dahilan para tumigil siya sa kanyang trabaho na magpasaya ng maraming tao sa TV o sa live show man.

Sa gitna ng pagpapagamot ni Tetay, lumabas pa ito sa mga teleserye na Meant To Be at D’Originals. Naging regular din siya sa Full House Tonight ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

Laking pasasalamat ni Tetay dahil naging successful ang pagpapagamot niya at cancer-free na siya.

“Wala na po. Nag-downgrade siya.

“Sabi sa akin ng doctor, ‘Your cancer is wala na.’ Tapos sinabi pa niya, ‘Ay, naku, umalis ka na rito hindi na kita pagkakakitaan,’” tawa pa ni Tetay.

 

BOYFRIEND OF 13 YEARS. Bukod sa kanyang pamilya, ang isang tao na hindi umalis sa kanyang tabi at sinuportahan siya nang husto ay ang kanyang boyfriend of 13 years na si Richmond “Monching” Barbas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa December ay magse-celebrate sila ng kanilang 14th year at may rason para mag-celebrate at magpasalamat sila dahil sa milagro na dumating sa buhay ni Tetay.

Sa tanong kung ano raw ang isang trait ni Tetay kung bakit napamahal si Monching dito, ang sagot nito ay “may malaking puso siya.”

Nang tanungin naman si Tetay ng same question, heto ang sagot niya: “I love everything about him. Yung pagiging thoughtful niya. Yung pagiging makulit niya.”

Ang sikreto raw ng kanilang long relationship ay marunong silang makinig sa isa’t isa.

“Yung kahit may problema, yung mainit na rin ang ulo mo, baba ka. Mas maiintindihan mo siya kapag gano’n,” patukoy ni Monching sa relasyon niya kay Tetay.

Kung may natutunan daw si Tetay sa mga pinagdaanan niya, ito ay ang parating magpasalamat sa bawa’t araw na buhay siya.

“Ang magpasalamat sa Maykapal. Be thankful. Love your life.”

 

FORMER MAKEUP ARTIST. Taong 1999 pa nagsimula sa showbiz si Tetay. Nagtrabaho siya bilang isang makeup artist at production staff sa isang TV network. Ang nakadiskubre sa kanya ay ang comedian na si Ogie Diaz na tumayong manager niya noon.

Kung bakit si Kris Aquino ang napili niyang i-impersonate? Sagot ni Tetay na isang araw daw noong paggising niya ay naging kaboses na raw niya si Kris, kaya tinuluy-tuloy na niya ang paggaya rito.

“Mahirap ang gayahin si Kris. Kasi maraming may gusto sa kanya. Nagiging very careful lang ako,” diin niya.

Twice na raw niyang nakaharap nang personal si Kris at naging pleasant naman daw ang makilala nila ang isa’t isa.

Ang award-winning director na si Maryo J. delos Reyes ang unang nagbigay ng break kay Tetay na umarte sa isang teleserye nang mapanood niya ito sa isang comedy bar sa Malate. Sinama siya sa teleserye na Habang Kapiling Ka noong 2002.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napanood din si Tetay sa mga shows na Poor Señorita, Karelasyon, Dangwa, A1 Ko Sa ‘Yo, Conan The Beautician, Wagas at Tadhana.

Sa pelikula naman ay nakasama si Tetay sa Laman, Bikini Open, Donsol, Adela, Karera, Muli at D’Survivors.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN