Heart Evangelista appeals to Marian Rivera fans to stop badgering her

IMAGE Noel Orsal

Heart Evangelista on Marian Rivera fans who bash her: "I think it would work good for them if I actually don't speak about what happened to us before."


Sanay na raw si Heart Evangelista tuwing inaakusahan siyang ginagamit ang kapwa Kapuso actress na si Marian Rivera sa promo ng kanyang mga bagong proyekto.

Gaya na lamang sa presscon noong nakaraang buwan ng pinagbibidahan niyang primetime series sa GMA Network, ang My Korean Jagiya.

Nang tanungin tungkol sa isyung kinasasangkutan ni Marian, tumanggi si Heart na sagutin ito.

Sabi ng aktres noon sa mga kausap na reporters: “No comment. Sorry. I want to but, you know, I choose not to. I really choose not to.”

Sa kabila nito, nakatanggap pa rin ng pambabatikos si Heart mula sa fans ni Marian.


Stories We Are Tracking

Heart declines to comment on Marian's latest issue
Heart declines to comment on Marian's latest issue

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang pang reporters kay Heart sa taping ng My Korean Jagiya, sa Valley Golf Subdivision, Antipolo City, Rizal, kahapon, September 22, kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa akusasyong ginagamit niya diumano si Marian tuwing may bago siyang proyekto.

Ayon kay Heart, sanay na siya sa ganitong akusasyon.

“Okay lang. Actually, okay lang. Anything, I'm used to it,” pagkikibit-balikat niya.

Isa pang akusasyon na ibinabato kay Heart, tuwing naiinterbyu raw siya ng press ay palagi na lamang niyang sinasagot ang mga tanong tungkol kay Marian.

Sagot ng 32-year-old actress, “It's always like that.

"Honestly, I've really given up on this issue.

"In fact, you know, I hope that they stop badgering me.

"Because I think it would work good for them if I actually don't speak about what happened to us before.

“So, I hope that they stop badgering me, because I don't want to explain everything.

"I think I'm doing them a favor by not saying anything."

WASTE OF TIME. Nagsimula ang pambaba-bash sa kanya ng ilang fans ni Marian nang pumutok ang alitan nila habang ginagawa ang pelikulang Temptation Island noong 2011.

Mula noon ay pinagsasabong na ng fans sina Heart at Marian, na hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang nagkakasundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At hanggang ngayon ay hindi pa rin maiwasang tanungin ng reporters ang dalawang aktres tungkol dito.

Ayon kay Heart, "waste of time" ang pagpansin sa bashers.

“Its really is a waste of time... Yeah, they should stop.

"Kasi, a lot of people are getting involved, the insult, so it's not also good for her [Marian].”

Dagdag pa niya, matagal na siyang tinu-troll ng fans ni Marian, pero hindi siya nagpapaapekto dito.

Sabi ni Heart, “Matagal na. Deadma na ako...

"She [Marian] told me that before na she had it done to me, so I knew it.

“So, I've been living with it for five years. So, it's part of life, di ba?

"Artista ka, e, ganun talaga yun."

DIFFERENT WORLDS. Noong nagpu-promote pa sila ng My Korean Jagiya, kapansin-pansing si Heart lang ang cast member na hindi pumunta sa Sunday PinaSaya, ang weekly noontime show ng GMA-7 kung saan mainstay si Marian.

Pag-amin ni Heart, "Ayaw ko kasing ma-boo, e.

"No, I really just want to... kung puwedeng umiwas, ikaw na ang umiwas."

Tinanong ng isang reporter si Heart tungkol sa pareho nilang hobby ni Marian: ang pagpipinta.

Pero hindi tulad ni Heart, madalang mag-post ng kanyang painting si Marian sa social media.

May nagsabi namang baka ayaw maakusahan ni Marian ng panggagaya, na siyang madalas inaakusa kay Heart.

Ayon kay Heart, dapat nang itigil ang pagbibigay ng kahulugan sa bawat ipinu-post nila ni Marian sa social media.

Pahayag niya, “Actually, she should stop being so conscious.

"Everybody just stop being so conscious about the whole thing.

“I mean, it's been too long and she doesn't have to, you know...

"We both have different worlds."

MY KOREAN JAGIYA. Sa kabilang banda, hindi naman maitago ni Heart ang kanyang kasiyahan dahil sa magandang pagtanggap ng viewing public sa My Korean Jagiya, kung saan katambal niya ang Korean actor na si Alexander Lee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kakaiba raw kasi ito sa ginagawa niyang mga teleserye noon, kung saan mabibigat ang mga eksena.

Sabi pa niya, “Sobrang gaan. Although minsan parang pagod din, pero masaya, masaya, e.

“Talagang masaya talaga itong rom-com [romantic-comedy]. Tsaka lahat ng tao, masaya.”

Ikinagulat din niya ang reaction ng netizens dahil kahit alam nilang may asawa na siya, si Senator Chiz Escudero, ay kinikilig pa rin ang mga ito sa tambalan nila ni Alexander.

Aniya, “Oo nga, e. I'm happy.

"At least nabi-break natin yung mentality ng tao na pag artista matanda na, hindi na puwedeng magpakilig.

"But no, life is never ending.

“In the beginning, maraming nagsasabi na, 'Bakit siya, marami naman diyan,' pero at least...

“Ngayon, sobrang masayang tingnan ang Instagram ko, kasi super positive, ang daming happy comments.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN