Ai-Ai delas Alas names Vilma, Sharon, Regine, Piolo, Alden, Willie as part of her wedding entourage

IMAGE Noel Orsal / Allan Sancon

Ai-Ai delas Alas reveals full list of showbiz personalities who will be part of her wedding entourage on December 12, 2017. She and Gerald Sibayan will fly to Europe for their honeymoon immediately after their wedding.

 


Dapat daw sana ay sa 2018 pa gaganapin ang kasal ni Ai-Ai delas Alas at ng fiancé niyang si Gerald Sibayan, ngunit pinayuhan daw sila ni Bishop Antonio Tobias na huwag na itong patagalin at ituloy na ngayong taon.

Kaya naman sumailalim na raw sila kaagad sa mga marriage counseling seminars prior to their wedding day sa December 12, sa simbahan na ayaw nang ipabanggit ni Ai-Ai dahil baka raw dumugin ng mga tao.

Ayon pa sa Sunday Pinasaya star, ito raw ang kanyang “first and right” wedding kahit nakasal na siya nang dalawang beses noon.

Wish din daw niya na makabuo pa sila ng babay ni Gerald pagkatapos nilang ikasal.

Nagdeklara si Ai-Ai ng kanyang vow of celibacy matapos siyang gawaran ng Papal Award noong October 2016.

Ito ay bilang pagkilala sa kanyang pagtulong sa pagpapagawa ng mga simbahan at pagiging deboto sa simbahang Katoliko.

Sa Europe sila magha-honeymoon pagkatapos ng kasal. Ayon sa komedyana, ito raw ang regalo ng isa nilang magiging ninong na si Mr. Antonio Tuviera ng APT Entertainment.

Sa intimate presscon ng kanyang bagong pelikula (na itinuturing din niyang pre-wedding gift para sa kanyang mga fans) na Bes and the Beshies noong Miyerkules, September 20, ikinuwento ni Ai-Ai sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media ang mga celebrities at ilang kilalang personalidad na kasama sa kanyang entourage.

Nasa 300 guests lang daw ang imbitado sa kasalan.

THE SIBAYAN-DELAS ALAS NUPTIALS. Umaga ang seremonya ng kasal na pangungunahan ng maraming pari at ni Bishop Antonio Tobias.

Mayroon siyang 15 sets ng ninong at ninang kabilang na ang kanyang “ama” at manager na si Boy Abunda, ang ABS-CBN Channel Head na si Cory Vidanes, ang dating vice president na si Jejomar Binay, at ang Regal Entertainment matriarch na si Mother Lily Monteverde.

Kasama rin sa listahan ng principal sponsors sina Lolit Solis, Senator Dick Gordon, GMA Chairman and CEO Felipe Gozon, at ang mag-asawang sina Congresswoman Vilma Santos-Recto at Senator Ralph Recto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang din sa kanilang mga magiging ninong at ninang sina Wowowin host Willie Revillame, veteran showbiz writer Cristy Fermin, ang negosyante at Ilocos Sur councilor na si Chavit Singson, at si Antonio Tuviera ng APT Entertainment.

Matron of Honor naman ang Megastar na si Sharon Cuneta-Pangilinan.

Best Men naman sa kasal sina Sancho Vito delas Alas at ang kasamahan niya sa Sunday Pinasaya na si Alden Richards.

Sina Bayani Agbayani, Ogie Alcasid, Jerald Napoles, Randy Santiago, at Piolo Pascual ang ilan sa kanilang groomsmen.

Nasa listahan naman ng kanilang mga bridesmaids ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez, Lovely Abella, Malou de Guzman, Barbie Forteza, Rufa Mae Quinto, Valeen Montenegro, Eugene Domingo, at Pops Fernandez.

Si Pauleen Luna-Sotto naman ang candle sponsor at ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera naman ang nakatoka bilang veil sponsors.

Dalawang gown ang isusuot ni Ai-Ai sa kasalan na gawa nina Frederick Peralta at Maxi Cinco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN