Ara Mina, Aiko Melendez kiss and make-up after longtime rift

IMAGE Instagram account of Ara Mina / Facebook account of Ogie Diaz

Yesterday, September 23, both Ara Mina and Aiko Melendez shared the good news to their followers that they have already ended their longtime rift.


Nagkaayos na sina Ara Mina, 38 at Aiko Melendez, 41.

Ibinahagi ito ng showbiz reporter-comedian na si Ogie Diaz sa kanyang Facebook account kagabi, September 23.

Ayon sa post ni Ogie, nagkita-kita sila sa burol ng isang kaibigan nang mangyari ang pagkakaayos.

Saad ni Ogie sa kanyang post, "Past is past. The important is now. Nice to see them na tsikahan nang tsikahan. All is well that ends well. #Nice.

"Sa burol pa talaga nangyari ha? Hehehe."

Si Ara naman ay nag-post din ng litrato nilang dalawa ni Aiko sa kanyang Instagram account.

Sabi ni Ara sa caption niya, "It was nice seeing you [kiss emoji] @aikomelendez"

It was nice seeing you ???????? @aikomelendez ????????????

A post shared by ????Ara Mina (@therealaramina) on

Ni-repost naman ni Aiko ang litrato nila ni Ara at sinabing, "So good to finally catch up with you after so many years! Hang out soon :) @therealaramina"

Sa hiwalay naman na Facebook post ni Aiko ay nagpost pa siya ng mensahe para kay Ara, na Hazel sa totoong buhay.

"So good to finally talk and chit chat with you Hazel. It's been ages!!! We both can freely take selfies together without the awkward feeling. Lets hang out soon!!! Katawa ang dami nameng exchanges of textes ahahahaha!"


Matatandaang nag-umpisa ang alitan ng dating magkaibigan nang maging boyfriend ni Ara si Jomari Yllana, ang dating asawa ni Aiko.

Minsan pang naakusahan si Ara na isang "homewrecker," o dahilan ng paghihiwalay nina Aiko at Jomari.

Noong 2011 naman ay muling nasangkot ang dalawa sa isang alitan nang maging boyfriend ni Ara ang Bulacan Mayor na si Patrick Meneses, na siyang naging boyfriend rin ni Aiko.

Hindi naging maganda ang hiwalayan nila Aiko at Patrick na nauwi pa ito sa pagsasampa ni Patrick kasong libelo laban sa aktres.

Subait sa tuwing mai-interview ang dalawa, pareho namang naging bukas sina Ara at Aiko sa pakikipag-ayos sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Aiko Melendez forgives Ara Mina and ex-boyfriend Patrick Meneses
Aiko Melendez forgives Ara Mina and ex-boyfriend Patrick Meneses
Aiko Melendez and Ara Mina both open to private reconciliation
Aiko Melendez and Ara Mina both open to private reconciliation


 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN