Joshua Garcia admits saying "I love you" to Julia Barretto

Does Julia Barretto say "I love you" to Joshua Garcia? Joshua says, "Nararadaman ko... naramdaman ko yung pagmamahal niya."


Nag-viral sa social media ang naging reaksyon ng dating ka-loveteam at ex-Pinoy Big Brother housemate ni Joshua Garcia na si Loisa Andallo.

Puna ng netizens, dinedma raw ni Loisa si Joshua at host na si Julia Barretto habang ini-interview ang dalawa sa ASAP kamakailan.

“Hindi, andun po kami para mag-promote ng The Good Son.

"Wala naman pong dedmahan,” paliwanag ni Joshua sa grand presscon at special screening ng first three episodes ng The Good Son ng ABS-CBN na ginanap sa Dolphy Theater.

Unang nagtambal sina Joshua at Loisa sa daytime drama series na pinamagatang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita sa Kapamilya network.

Magkasama muli sina Joshua at Loisa sa bagong telerserye mula sa Dreamscape Entertainment, ang The Good Son, na magsisimulang umere sa Lunes, September 25, sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Bukod kina Joshua at Loisa, kasama rin sa The Good Son sina Albert Martinez, Eula Valdes, John Estrada, McCoy de Leon, Jerome Ponce, Liza Lorena, Ronnie Lazaro at Nash Aguas sa direksyon nina Andoy Ranay at Emmanuel Palo.

“Buong team naming sobrang pressured ngayong nalipat kami sa primetime.

"Pero yung pressure na yun ang gagamitin naming para mas ma-motivate kami na galingan namin,” lahad ni Joshua.

Happy ba siya na makatrabahong muli si Loisa?

“Yes, yes. Work naman, e,” sagot ni Joshua.

"I LOVE YOU." Speaking of Julia, marami naman ang kinilig sa kumalat na video niya habang kumakanta ng “Your Body is a Wonderland” sa birthday celebration ni Julia last March 10.

Pagkatapos niyang kumanta, sinabihan pa ni Joshua si Julia ng ‘Love you!’ over the microphone.

Madalas ba niyang sabihan ng "I love you" si Julia?

“Pag nararamdaman ko lang po,” kinikilig na sabi ni Joshua.

Sumasagot din ba ng "I love you" si Julia?

“Nararadaman ko... naramdaman ko yung pagmamahal niya.”

Ano ang next project nila ni Julia?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Uh, abangan natin, kasi may soap kaming gagawin. Abangan natin.”

LOOKING FOR NEW HOUSE. Samantala, napag-alaman namin mula sa isang reliable source na nagpapahanap siya ng bagong bahay. Totoo ba ito?

“Yes,” pagkumpirma ni Joshua.

“Gustung-gusto kong maging komportable ang pamilya ko, e.”

Saang banda ang lugar na gusto niya?

Aniya, “This area lang, pero gusto ko gitna ng Bulacan and dito po, para half.

"Kasi, di ba, parang lilipat 'ata ang ABS.”

May nakita na ba siya?

“As of now, wala pa.

"Tumitingin-tingin pa lang,” ngiti ni Joshua.








WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN