Aiko Melendez dreams of working with son Andrei

IMAGE Noel Orsal

Aiko Melendez confesses that she has always dreamt of working with her son Andrei on a movie or TV project: "Sobrang dream ko talaga to work with Andrei. Siyempre it's different when you work with your son. It's a different ambience, a different discipline, so I'm very excited for that."


Matagal na palang pangarap ni Aiko Melendez na makatrabaho at makasama sa isang proyekto ang panganay niyang anak na si Andrei Yllana.

Pag-amin niya, “That’s my dream project.

“I’ve always been praying for that or even kahit hindi man lang movie, kahit sa MMK [Maalaala Mo Kaya] talaga.

“Sobrang dream ko talaga to work with Andrei.

“Siyempre it’s different when you work with your son.

“It’s a different ambience, a different discipline, so I’m very excited for that.”

Hindi ba siya magiging stage mother pag magkasama na sila ni Andrei?

Mabilis niyang tanggi, “Oh, no! Hindi ako nakikialam sa career niya now that it’s Ogie Diaz and Star Magic who handle him.

“Ako, ang sinasabi ko lang is, ‘O, anong next project mo? Anong gagawin mo?’ That’s it.”

Ano ang update sa career ni Andrei?

“Okay naman siya. Ang dami na niyang mga mall show ngayon.

“So, hopefully, I’m praying na maidirek din siya ng direktor ko dito sa New Generation Heroes [Anthony Hernandez].

Ang isa pa niyang anak na si Marthena Jickain, mag-aartista rin ba?

Sagot niya, “Ay, hindi po!

“Bawal po sa school niya. She goes to Poveda, bawal po.

“Sana kung commercial man lang pwede siguro.

“Yun pa naman ang mini-me ko, twinnie.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko sa presscon ng advocacy movie ng Golden Tiger Films, ang New Generation Heroes, na pinagbibidahan niya kasama sina Anita Linda, Jao Mapa, at Joyce Peñas.

Ginanap ang presscon noong September 21 sa Max’s restaurant sa Scout Tuazon, Quezon City.

Ang New Generation Heroes ay tungkol sa apat na teachers na humarap sa iba’t ibang pagsubok at pakikibaka sa buhay.

Kaya natanong namin si Aiko kung anong klaseng teacher siya bukod sa pagiging ina sa kanyang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “I think I am more of a disciplinarian and a spoiler because I am a single mom so I have to play dual roles.

“I teach them, of course, the value of life.

“Kasi the best teacher is experience, right?

“So, I tell them what to avoid and what not to avoid based on my experiences.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN