John Lloyd Cruz posts kissing photo with Ellen Adarna

IMAGE Instagram account of John Lloyd Cruz (@ekomsi)

John Lloyd Cruz took to Instagram to post a photo of rumored girlfriend Ellen Adarna giving him a kiss. In his caption, he wrote: "Sobrang baduy neto pero this girl really did something good to my soul. i'll always be grateful."


Isang sweet na litrato ang ipinost ni John Lloyd Cruz sa kanyang Instagram account ngayong Linggo ng gabi, September 24.

Sa post ni John Lloyd ay makikitang nakahigang magkayakap sila ng kanyang rumored girlfriend na si Ellen Adarna.

Si Ellen naman ay makikitang nakahalik sa pisngi ng aktor habang nakangiti ito.

Saad ng 34-year-old actor sa kanyang caption, "Sobrang baduy neto pero this girl really did something good to my soul. i'll always be grateful."

Nitong mga nakaraang linggo lang ay naging viral sa social media ang mga vacation videos nila sa Cebu.

Sa isang video ay narinig na tinawag ni John Lloyd na "baby" si Ellen.

Sa isa namang Instagram post ay tinawag din ni Ellen si John Lloyd na "baby love," matapos nitong matalo ang rumored boyfriend sa larong chess.

Matagal nang usap-usapang may namamamagitan sa kanilang dalawa subalit wala pa silang inaamin hanggang ngayon.

Si John Lloyd ay kilalang box-office star ng rom-com movies, malaking celebrity endorser, at prized talent ng Star Magic ng ABS-CBN. Nitong mga huling taon, nakitaan din ito ng seryosong pagyakap sa mga mabibigat na pelikula, tulad na lang ng mga idinirehe ni Lav Diaz.

Si Ellen Adarna ay nagsisimula pa lang makilala sa pelikula at telebisyon, bagamat kilala na ito bilang magazine cover girl. Nitong mga nakaraang panahon, nakilala rin ito bilang girlfriend ni Baste Duterte, ang anak ng Presidente.


Stories We Are Tracking

A lookback: The women John Lloyd Cruz loved before
A lookback: The women John Lloyd Cruz loved before
Ellen Adarna calls rumored BF John Lloyd Cruz
Ellen Adarna calls rumored BF John Lloyd Cruz "baby love"
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna post vacation photos anew
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna post vacation photos anew
John Lloyd Cruz calls Ellen Adarna
John Lloyd Cruz calls Ellen Adarna "baby" during Cebu getaway


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN