Carmina Villarroel thankful for "second chance" at happy family life

IMAGE Sany Chua

Carmina Villarroel (with Cassy, Zoren, Mavy) on being blessed with a good marriage and a harmonious family life: "Thankful lang ako dahil, kumbaga, parang second life ko 'to, e! Parang it's a second chance for me. So, I really want to make this work."


Kasabayan ni Carmina Villarroel sa showbiz sina Ruffa Gutierrez at Aiko Melendez.

Noong 1991 ay inilunsad silang tatlo ng Regal Films sa pamamagitan ng pelikulang Underage Too, kaya nabansagan silang “Underage Girls” mula noon.

Bagamat pare-pareho pa rin silang aktibo sa showbiz, tila nakalalamang si Carmina pagdating sa pagkakaroon ng magandang buhay may-asawa at successful family life.

Unang ikinasal si Carmina sa dating aktor na si Rustom Padilla noong 1994, ngunit naghiwalay sila noong 1996. Na-annul ang kanilang kasal noong 2002.

Ngayon ay isa nang transgender woman si Rustom at kilala na sa pangalang BB Gandanghari.

Pero nakahanap ng bagong pag-ibig si Carmina sa katauhan ng aktor na si Zoren Legaspi, na dating naugnay kay Ruffa.

Ikinasal sina Carmina at Zoren noong 2012 pagkatapos ng 12 taong pagsasama.

Sina Ruffa at Aiko ay ilang beses ding nagpakasal, ngunit nauwi rin ang mga ito sa hiwalayan.

Ano ang masasabi ni Carmina na sa kanilang tatlo ay siya ang naging matagumpay ang married life?

Nag-aalangang sagot ng actress-TV host, “Oh, my gosh! Naku, mahirap magsalita.

“Hindi. Basta ako, personally, I’m just very thankful.

“I’m very thankful na, siyempre, not only in our industry, 'no?

“Kahit naman saan, kahit hindi ka artista, mahirap talaga na... to keep a marriage, and ngayon na yung pamilya na intact pa rin, lalo na sa industriya natin.

“Kasi nga, dahil sa mga temptations, dahil sa mga intriga.

“I’m just blessed dahil we are very strong, na talagang masyado naming mahal ang isa’t isa, ayaw naming magkahiwa-hiwalay talaga.

“Yung masyado naming mahal ang isa’t isa, very precious sa amin ang marriage, ang pamilya, so thankful lang ako.

“Thankful lang ako dahil, kumbaga, parang second life ko ‘to, e!

“Parang it’s a second chance for me.

“So, I really want to make this work.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmina sa presscon nilang mag-anak bilang bagong celebrity brand ambassadors ng CitiDrug drugstore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginanap ito sa The Marquis Events Place, sa Bonifacio Global City, Taguig, noong Sabado, September 23.

KIDS READY FOR SHOWBIZ? Tinanong din ng PEP.ph si Carmina tungkol sa posibilidad ng pagpasok sa showbiz nina Mavy at Cassy, ang kambal na anak nila ni Zoren.

Tugon ng 42-year-old actress, “Dito na ako lumaki, e!

“Dito na ako lumaki sa industriyang ito, di ba?

“Parang… hanggang sa ngayon, nandito pa rin ako.

“So, sana lang kayanin ko yung mga intrigang darating sa kanila, yung mga… lalo na sa social media.

“Dyusko, 'day! Sana hindi ako mapaaway, yung talagang...

“Hayyy… kailangan naming magdasal at mag-usap-usap talaga.

“But so far, sa ngayon, they’re just enjoying, and kung ano lang yung nandito, ayan, enjoy lang sila.”

Sinang-ayunan din ni Carmina ang naging pahayag ni Zoren na kailangang upuan at pag-usapan ng kanilang buong pamilya ang tungkol sa seryosohang pagpasok sa showbiz ng kanilang kambal. 

Aniya, “Pero tama nga si Zoren, we really have to sit down and really talk about yung sa future nila.

“Basta as parents, nandito lang kami to support them.”

Sa ngayon kasi ay mas naka-focus ang magkapatid sa pagiging brand endorsers ng iba-ibang produkto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN