Luis Manzano denies rumors he bought a house for girlfriend Jessy Mendiola

IMAGE Noel Orsal

Luis Manzano denies rumors that he bought a house for girlfriend Jessy Mendiola: "Wala, wala pa. Nagulat nga ako, e. May nagsabi sa akin, 'Uy, ang ganda ng bahay mo sa ganito.' Sabi ko, 'Huh? Bakit ako may bahay sa ganito?'"


Itinanggi ni Luis Manzano ang balitang binilhan na niya ng bahay ang girlfriend na si Jessy Mendiola.

May nagsasabing ang bahay na binili niya para kay Jessy ay nasa Batanes, samantalang mayroon namang ibang nakapagsabing sa Batangas daw ito.

Ngunit diin ni Luis, “Wala, wala pa.

“Nagulat nga ako, e. May nagsabi sa akin, ‘Uy, ang ganda ng bahay mo sa ganito.’

“Sabi ko, 'Huh? Bakit ako may bahay sa ganito?'”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis sa dinner bonding niya kasama ang mga miyembro ng Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC), sa Shakey’s, Paseo de Magallanes, Makati City, noong September 21.

WEEKDAY OUT-OF-TOWN TRIPS. Bakit madalas siyang makita sa Batangas nowadays?

Pag-amin niya, “Yes, Tuesday galing ako sa Batangas.

“Para mag-dive. Kasi mas tahimik pag weekdays.

“Maraming nagda-dive pag weekends.

“O kaya kapag nagpo-photography ako, wala akong masyadong kaagaw sa subject.

“So, weekday talaga ako pumupunta.

“Bihira pag weekend. Saka kasi may ASAP ako, e.”

Saan siya tumutuloy pag pumupunta ng Batangas?

Sagot ng Kapamilya TV host, “Sa resort lang. Nagbabayad ako.

“Oo, resort talaga.”

Hindi kaya yung bahay nila sa Punta Fuego ang sinasabing bahay na binili niya for Jessy?

Sabi ni Luis, “Iba pa yun.

“Ang Punta Fuego is in Nasugbu. Tsaka bahay talaga.

“Pero sa Mabini... Anilao raw.

“So, diumano’y meron akong napakagandang bahay sa Anilao.

“May mga nag-text sa akin, ‘Uy, nakita ko yung bahay mo.’

“Hahaha! Sa Anilao daw.” 

ASKING FOR MOM'S HOUSE. Inamin ni Luis na personal niyang hiniling sa kanyang inang si Lipa Congresswoman Vilma Santos ang bahay nila sa Greenmeadows subdivision sa Quezon City.

“Kasi malapit sa ABS-CBN,” sambit ni Luis.

Dito ba niya ititira si Jessy?

Ayon sa I Can See Your Voice host, “Sinasabi ko sa kanya, kasi ang ganda ng location, e.

“Kasi may Eastwood ka, may C5, EDSA... ang lapit. Malapit sa lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba’t dito rin sa Greenmeadows nagpatayo ng bahay ang business partner niya sa kanyang LBR Taxi na si Kris Aquino?

“Oo, dati sa labas siya.

“Pero ngayon, nasa loob na siya ng subdivision.

“Ang catch lang ng Greenmeadows, fault line. Kasi, sa West Valley fault line mismo.”

Bukod kay Kris, kalapit-bahay rin ni Luis sa parehong kalye sa Greenmeadows si Vice Ganda.

Nagkaroon na ba ng chance na magkita sila ni Vice sa kanilang subdivision?

“Same street kami, pero hindi pa kami nagkikita.

“Pinag-uusapan nga namin nung nasa [It’s] Showtime ako na, one of these days, puntahan kami sa bahay ng isa’t isa,” sabi ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN