"Tawag ng Tanghalan" semifinalist Paolo Antenorcruz was once married to a man

IMAGE Courtesy: Tawag ng Tanghalan Facebook / Youtube screenshot

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang bagong semifinalist ng 'Tawag ng Tanghalan' na si Anton Paolo Antenorcruz dahil sa pagkalat ng video ng kanyang kasal sa isang kapwa lalaki.


Pasok na sa semifinal round ng "Tawag ng Tanghalan" Season 2 si Anton Paolo Antenorcruz.

Ang "Tawag ng Tanghalan" ay ang singing contest na napapanood sa daily noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime.

Nakalimang laban na si Anton at lahat ay kanyang napagtagumpayan.

Noong Sabado, September 23, pumasok na nga sa semifinals ang tinaguriang ‘Cabin Crew-ner ng Parañaque.’

Bukod sa husay sa pagkanta ay marami rin ang humahanga sa kaguwapuhan ng aspiring singer, kaya madalas siyang maging trending topic sa social media.

Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, minsan nang ikinasal si Anton sa kapwa niya lalaki.

Kumakalat ngayon ang videos at litrato ng kasal ng aspiring singer sa Filipino-Australian na si John Carasig.

Naganap ang pag-iisang dibdib nina Anton at John dito sa Pilipinas noong December 13, 2012.

Si John ay isang celebrity sa Australia.

Naging contestant siya sa reality show na MasterChef Australia Season 7 noong 2015.

Halos 13 taon ang tanda ni John kay Anton, na 20 years old lamang noong ikasal sila.

Sa post ni John sa www.australianmarriageequality.org noong January 30, 2013, inilarawan niya ang pag-iisang dibdib nila ni Anton.

Lahad ng celebrity chef, “Paolo and I had a civil union held in the Philippines on December 13 2012.

"We posted a video up on the web through our videographer’s (jason magbanua) website and it instantly went viral.

"I was amazed at the support we got from strangers who were touched and inspired by our story.

"Even though we’re not the very first to have had a same sex commitment ceremony, it made people realise this is now. This is reality. Love is love regardless.

“I’m an Australian citizen and I’m very lucky that I have finally found the person I cannot live without!!

"And that person happens to be of the same gender and unfortunately for us, my partner has a Filipino citizenship status, which requires him a Visa to enter our country.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My husband now wants to live his life here with me in australia and being a Filipino, it’s very difficult for him to get a visa. My cousins, who are Australian citizens just like me, have all married Filipinos.

"Because their marriage is legal they were all granted Permanent residency visas with ease.

“Why can’t I have the same right as they do?? Why do I have to jump hoops and prove that my relationship is a valid one, when opposite sex couples simple require a signature on a piece of paper, that “legally binds them”, and are granted a visa immediately, when we as a same sex couple will have to show 12months of documentation to prove that we are a couple, only to find at the end if the authority approves of our relationship or not.

"I simply want to live a life like any other, and live with the person that is meant for me. Nothing more nothing less….EQUALITY!!!"



Ngunit sa kasamaang-palad, hindi nagtagal ang pagsasama nina Anton at John dahil nang sumunod na taon, 2013, ay nagkahiwalay rin sila.

Pero agad naman silang nakahanap ng bagong pag-ibig.

Si Anton ay may karelasyon ngayong kapwa niya cabin crew sa Philippine Airlines.

Si John naman ay apat na taon nang karelasyon si Dave Evangelio, na ayon sa kanyang Instagram profile ay "hair & makeup artist, dancer/choreographer, photographer."

Si Anton ay sumali rin sa X Factor Philippines ng ABS-CBN noong 2012.


Courtesy: X Factor on Facebook


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN