Korean actor Alexander Lee exempted from mandatory military service

IMAGE Noel Orsal

Masaya raw ang Korean actor si Alexander Lee sa kanyang pamamalagi sa Pilipinas habang ginagawa ang primetime series na My Korean Jagiya.


Ayon sa batas ng South Korea, lahat ng mga lalaking Koreano ay required na sumailalim sa mandatory military service sa loob ng dalawang taon.

Ito ay upang mapalakas ang kanilang hukbong sandatahan sakaling magkaroon ng biglaang giyera.

Kapag tumangging sumailalim sa mandatory military service ang isang Koreano, mula edad 18 hanggang 35, ay maaari silang makulong.

Kahit ang K-Pop stars ay kailangang mag-leave sa kanilang showbiz commitments upang magsilbi at mag-training sa kanilang militar.

Kabilang sa Korean celebrities na nag-enlist ngayong 2017 ay sina Ji Chang Wook, Joo Won, Im Siwan, Kang Ha Neul, Seo In Guk, Kyuhyun ng Super Junior, at Taecyeon ng 2PM.

Pero ang dating U-Kiss member at bida sa seryeng My Korean Jagiya na si Alexander Lee ay hindi na kailangang gawin ito.

Paliwanag ng 29-year-old actor-singer, “I don’t have to 'coz I was born in Hong Kong.

"It’s a very sensitive issue 'coz lot of Korean-American people are, like, ‘You have to go to the military, blah-blah-blah.'

“But, thank God, I was born in Hong Kong.”

Kaya naman tuluy-tuloy lamang ang kanyang trabaho sa South Korea at maging dito sa Pilipinas.

Nitong nakaraang linggo nga lamang ay pumirma si Alexander ng co-management contract sa GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network.

EXCLUSIVE CONTRACT. Sa panayam ng PEP.ph (Philipppine Entertainment Portal) kay Alexander sa set ng My Korean Jagiya noong Biyernes, September 22, sinabi niya ang dahilan kung paano siya napapayag na pumirma ng kontrata sa GMA.

Aniya, “Working with them from the beginning until now, everything is so good.

"People here are so nice, the working environment is so good, so I’m willing to stay here longer.

“It was [contract] not a long one, they’re very respectful, 'coz in Korea, they will keep you for at least seven years. By law in Korea, that’s the maximum.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s why in the K-Pop industry… a lot of bands disbanded after seven years because they thought of a seven-year curse for K-Pop.

"So, I was happy because the contract is not too long.

“But I have to learn Tagalog.”

Masaya naman si Alexander na smooth-sailing ang taping ng kanilang teleserye.

Hindi raw ito boring dahil parang palaging may fiesta, hindi katulad sa South Korea na tahimik daw ang set.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN