Sylvia Sanchez warns her children about the partners they present to her

IMAGE Reielle Deslate

Sylvia Sanchez issues warning to her children: "Kung masama yung girlfriend ni Arjo o boyfriend ni Ria, ihuhulog ko sa hagdanan ng bahay ko, hindi ko sila papapasukin!"


Hands-off daw si Sylvia Sanchez sa personal na pakikipagrelasyon ng kanyang mga anak, partikular na sa panganay na si Arjo Atayde.

Pahayag ng 46-year-old Kapamilya actress, “Alam mo, hindi ko pinapakialaman yung love life nila, e.

“Basta ako, ang lagi kong sinasabi... deserve naman ni Arjo.

“Kasi, hello, sino bang hindi at the age of 27?

“Guwapo naman si Arjo, okay naman siya, imposible namang walang magkagusto.

“Ang sa akin, hindi ako nangingialam.”

Ang napapabalitang girlfriend ni Arjo ngayon ay ang Girl Trends member na si Sammie Rimando.


Stories We Are Tracking

Arjo Atayde still refuses to reveal identity of girlfriend
Arjo Atayde still refuses to reveal identity of girlfriend

Isa lamang daw ang pakiusap ni Sylvia sa anak kung ito ay makikipagrelasyon.

“Ang sinasabi ko sa anak ko, puwedeng mag-girlfriend, basta isa lang, respectful yung bata at mahal ang pamilya.

“'Huwag mo akong dadalhan ng babaeng...'

“Kahit sino pa siya—kahit artista, kahit sikat o hindi, kahit mahirap o mayaman—wala akong pakialam.

“Ang importante sa akin, maganda ang ugali ng bata.”

Ganito rin daw ang pakiusap ni Sylvia sa dalaga niyang anak na si Ria Atayde, 25.

Pabirong banta pa ni Sylvia, “Kung masama yung girlfriend ni Arjo o boyfriend ni Ria, ihuhulog ko sa hagdanan ng bahay ko, hindi ko sila papapasukin! Alam nila yun.”

Katuwiran ng aktres, “Kapag kasundo ko ang daughter-in-law ko o son-in-law ko, di ba, ang sarap na may pagkakaisa sa pamilya, walang away?

“Pero kapag hindi ko gusto, hindi ko gugustuhin dahil masama ang ugali.

"Hell yun, gulo yun, di ba?

“Kasi makikisama si Arjo, hindi rin naman ako maitatapon ng mga anak ko, nanay nila ako, di ba?"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sylvia sa set ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, nitong Lunes, September 25.

Iginawad ng PEP.ph editorial team kay Sylvia ang award niya bilang Teleserye Actress of the Year para sa PEP Editors' Choice category ng The PEP LIST Year 4.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagwagi siya para sa kanyang pagganap sa The Greatest Love.


Stories We Are Tracking

Sylvia Sanchez wins Teleserye Actress of the Year
Sylvia Sanchez wins Teleserye Actress of the Year

MASUWERTE SA ANAK. Bilang isang magulang, ipinagmamalaki ni Sylvia ang maayos na pagpapalaki nila ng asawa niyang si Art Atayde sa kanilang mga anak.

“Isa lang ang masasabi ko, ito lang, masuwerte ang mapapangasawa ng mga anak ko.

“Mayabang ako diyan dahil alam ko ang ginagawa namin para sa mga anak namin,” pagmamalaki ng aktres.

Kaya naman, aniya, “Hinihiling ko lang din, sa akin, akyatan niyo kami ng mabait at matinong mapapangasawa.

“Sikat man o hindi, I don't care.

“Basta respectful, mabait, mahal kami, yun lang ang importante akin.”

Diin pa ni Sylvia, “Importante sa akin ang pamilya.

"Huwag mo akong akyatan ng mayabang na karelasyon, hindi uubra sa akin yun.

“Hindi ako mangingialam sa love life nila.

"Pero kapag nababastos ako, lalo ang daddy nila, ay hindi, talagang pakikialaman ko sila.

“At saka paano mapapalaki nang mabuti ang magiging anak mo kung masama ang ugali ng asawa mo?

“E, di masama din ang ugali ng mga anak mo, kasi nakukuha ng mga anak yun, e.”

DON'T MIX LOVE LIFE AND CAREER. Bukod sa makakarelasyon ng mga anak, partikular na kay Arjo, isa rin daw hiling ni Sylvia ay huwag paghaluin ang love life at showbiz career.

“Basta ang lagi kong sinasabi sa kanya, 'Huwag mong pagsamahin ang love life sa career.'

“Alam mo yun, kapag nagtrabaho ka, trabaho, out ang love life.

“Kasi minsan, diyan ka nasisira sa love life, e.

“Alam mo yun, kasi siyempre, minsan hindi mo maiiwasan na nag-aaway kayo, dadalhin mo yun [sa trabaho].”

Makakatrabaho ni Sylvia sa mas mahabang panahon si Arjo sa teleseryeng kasalukuyan nilang ginagawa.


Stories We Are Tracking

Arjo Atayde still refuses to reveal identity of girlfriend
Arjo Atayde still refuses to reveal identity of girlfriend
Has Arjo Atayde found a new love?
Has Arjo Atayde found a new love?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN