Heart Evangelista keeps distance from Senator Chiz Escudero's ex-wife

IMAGE Noel Orsal

Heart Evangelista on being a stepmom to children of husband Senator Chiz Escudero: "I think, what's nice about my situation was that hindi naman sila lumaki na nakikita nila parents nila together. They were very, very young when they separated... Kumbaga, ako yung woman na nakikita nila with the dad na may muwang na sila."


Para kay Heart Evangelista, mas mabuting wala silang anumang komunikasyon ng unang asawa ng mister niyang si Senator Chiz Escudero—si Tintin Flores.

Ito ay sa kabila ng nakakasama ni Heart ang kambal na anak nina Chiz at Tintin.

Pahayag ng 32-year-old actress, “I think it’s good for us that we don’t know each other, totally strangers, no communication.”

Paano kung makipagpagkaibigan sa kanya ang ex-wife ng kanyang mister?

Diretsong sagot ni Heart, “Ayoko na lang… it’s just that I don’t want... 

"Let me rephrase my statement, not that I don’t want, but I don’t want any kind of complications."

Ang mahalaga raw ay may matatawag na tahanan ang mga anak ng 47-anyos na senador tuwing magkakasama sila.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa taping ng kanyang teleserye sa GMA Network, My Korean Jagiya, sa Antipolo, Rizal, noong Biyernes, September 22.

In full support for my husband... ????

A post shared by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on

Ikinatutuwa rin ni Heart na hindi nababanggit ng mga bata ang tungkol sa kanilang ina kapag siya ang kasama ng mga ito.

Pahayag niya, “I think they’re smart, e.

“In fairness sa kanila, they’re smart, they’re mature, they don’t talk about it so much.

“I think they know what it is.

"I think, what’s nice about my situation was that hindi naman sila lumaki na nakikita nila parents nila together.

"They were very, very young when they separated.

“So, wala silang nakikitang ganun na parang nagsa-suffer sila.

"Kumbaga, ako yung woman na nakikita nila with the dad na may muwang na sila."

Ikinasal sina Chiz at Tintin noong December 15, 1999.

Noong 2009 ay kumalat ang balitang on the rocks na ang pagsasama ng politician at ng singer, at noong 2011 ay kinumpirma ng dalawa ang kanilang paghihiwalay.

Ikinasal naman sina Heart at Chiz sa Balesin Island noong February 15, 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isinilang ni Tintin ang kambal nila ni Chiz noong October 2007, kaya apat na taong gulang pa lamang ang mga bata nang magkahiwalay ang kanilang mga magulang.

Magwa-walong taong gulang naman ang kambal nang pakasalan ng kanilang ama si Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN