Toni Gonzaga dismisses infidelity rumors about husband Paul Soriano

IMAGE Mark Atienza

Toni Gonzaga says she felt no jealousy when her husband Paul Soriano was linked to actress Erich Gonzales. "Honestly, hindi. Wala akong naramdaman at all," the Kapamilya TV host-actress said.


“Ten. I can say ten, without batting an eyelash.”

Ito ang diretsong sagot ni Toni Gonzaga nang tanungin kung gaano siya ka-secure bilang asawa ng direktor na si Paul Soriano.

Sinabi ito ng 33-year-old TV host-actress sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa late-night talk show ng ABS-CBN na Tonight With Boy Abunda, nitong Lunes, September 25.

Ang tanong na ito kay Toni ay nag-ugat sa pagkaka-link ni Paul, 35, sa Kapamilya actress na si Erich Gonzales, 27.

Nagkatrabaho sina Paul at Erich, bilang direktor at artista, sa upcoming independent film na Siargao.

Pero ayon kay Toni, hindi siya nakaramdam ng selos nang lumabas ang balita tungkol kina Paul at Erich.

“Honestly, hindi. Wala akong naramdaman at all,” sagot ng Kapamilya star nang tanungin ni Boy kung nakaramdam ba siya ng selos.

Paliwanag ni Toni, naniniwala siya sa kutob ng babae, pero wala siyang anumang kutob na may namamagitan sa mister niya at kay Erich.

“Totoo yun sa isang babae. Meron tayong gut feel, e.

"So, feeling ko, God’s gift to women. Meron kang nararamdaman, e. Sabi nila yun, e.

"Kahit walang lumabas na isyu, pag may naramdaman ka, mararamdaman mo yun."

Ikinasal sina Paul at Toni noong June 12, 2015.

Isinilang naman ng TV host-actress ang kanilang panganay na si Severiano Elliot Soriano, o Seve, noong September 30, 2016.

Bago kay Erich, na-link din noon si Paul kay Maja Salvador, na idinirek naman nito sa 2011 indie film na Thelma.

Naugnay rin si Paul sa Kapamilya TV host-actress na si Camille Prats noong 2007, kasabay ng pag-amin nina Toni at Paul ng kanilang relasyon.

HOW WOULD TONI HANDLE INFIDELITY? Isang hypothetical question din ang ibinato ni Boy kay Toni: Ano ang gagawin niya kapag pinagtaksilan siya?

Tugon ng Last Night actress, “Nung ikinasal ako, sabi ko, ‘A, ganito pala kapag may karapatan ka, asawa ka na. Puwede ka nang manabunot.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi may papel ka, e, may ilalaban ka.

“Ako yung asawa, may masasabunutan ka.

"May ganun ka nang feeling, ‘Okay, ako ang asawa.’"

Dagdag pa ni Toni, “Nung may Seve na, iniisip ko, pag magkakaroon ng infidelity, ‘Hindi mo mahahawakan ang bata. Akin ‘to.’

"Yun lang ang iniisip ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN