Miguel Tanfelix surprised by Bianca Umali's birthday message for him

IMAGE Noel Orsal

Bianca Umali, 17, surprises onscreen partner Miguel Tanfelix on his 19th birthday celebration with fans held at the Le Reve Pool Events and Pool Party Venue, in Quezon City, on September 24, 2017.


Hindi mapagsidlan ang kaligayahan ni Miguel Tanfelix nang mabigyan ng pagkakataong ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ang ilang fans.

Tatlong araw makaraan ang kanyang 19th birthday, tinipon ng GMA Artist Center (GMAAC) ang kanyang mga tagahanga sa Le Reve Events and Pool Party Venue, sa may Quezon City, nitong Linggo, Setyembre 24.

Ang GMAAC ang talent arm ng GMA Network na nangangalaga sa career ni Miguel.

Hindi naman nabigo ang BiGuel supporters nang sorpresahin ang birthday boy ng kanyang ka-love team na si Bianca Umali.

Sweet na sweet ang dalawa habang nasa stage.


Mensahe ni Bianca kay Miguel, "Happy birthday, happy 19th birthday!

"Matanda ka na.

"Siyempre, I wish you more blessings.

"I wish lahat ng mga bagay around you, lahat ng mga bagay for you, and para sa atin.

"Mahirap kasing mag-wish at magbigay ng something para sa isang tao na alam nating meron na siya ng lahat, di ba?"

Dagdag ng 17-year-old actress, "Alam mo naman na I'll always be here for you.

"Alam nating lahat, nilang lahat, na mag-partners tayo in everything.

"Hindi lang ikaw espesyal para sa kanila, pero pati sa akin, sobrang espesyal ka."

Sabi pa ni Bianca, "I'll always be here for you, you know that.

"Hindi lang ako isang text o tawag, pag kailangan mo ako, pupuntahan kita agad.

"And I'm happy if you're happy."

Bahagi rin ng mensahe ng dalaga na nagpakilig nang todo kay Miguel: "I am more than happy to be the Bianca Umali of Miguel Tanfelix."

Hindi naman naiwasan ng fans na kiligin sa simple ngunit makahulugang sagot ni Bianca sa tanong ni Miguel kung ano ang regalo niya para rito.

Sabi niya, "Yung love ko."

Pabiro pang humingi ng halik si Miguel, na malugod namang pinagbigyan ni Bianca.


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Kapuso heartthrob matapos ang kanyang birthday party, sinabi nitong hindi niya inaasahan ang mga sinabi ni Bianca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Muntik na akong mahimatay doon!" bulalas niya.

Seryosong dagdag ni Miguel, "Siyempre kinilig ako and naging happy ako.

"It's such a big sentence talaga."

REAL SCORE. Hindi naman maitatanggi ang kakaibang closeness nina Miguel at Bianca, lalo pa't mahigit siyam na taon na silang magkakilala.

Ngunit sa kabila nito, hindi raw nakikita ni Miguel ang pangangailangang lagyan ng label kung anuman mayroon  sila ni Bianca.

Pahayag niya, "Kung ano po yung nakikita niyo, kung anong meron kami, masaya kami.

"Hindi namin... kumbaga, no rush, no pressure na kailangan may label tayo.

"Basta we're happy lang kung anong meron kami.

"And ini-enjoy lang namin yung every minute of us."

Pagbibiro pa ni Miguel, "Uy, merong 'us.' Mayroong tayo. Joke."

Ayon naman sa manager ng binata na si Vic del Rosario, marami pang dapat asahan sa BiGuel love team, maging solo projects ni Miguel.

Huling nagkasama ang dalawa sa katatapos lamang na fantaseryeng Mulawin Vs. Ravena.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN