Noven Belleza denies out-of-court settlement on sexual assault case

IMAGE Noel Orsal

Nanindigan si Noven Belleza na hindi niya ginawa ang ibinibintang sa kanyang pangmomolestiya ng isang local singer mula sa Cebu. Idinaan na lang daw niya sa dasal ang lahat.


Itinanggi ng singer na si Noven Belleza na nagkaroon ng out-of-court settlement kaya na-dismiss ang sexual assault case na isinampa laban sa kanya ng isang local singer sa Cebu.

Si Noven ang itinanghal na kauna-unahang grand winner ng “Tawag Ng Tanghalan,” ang singing contest sa daily noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime.

Inaresto si Noven ng mga pulis mula sa Mabolo Police Station, sa Cebu City, noong madaling-araw ng July 16, 2017, matapos siyang mag-guest sa concert ni Vice Ganda na Pusuan Mo si Vice Ganda Sa Cebu.

Ito ay dahil isang babae ang nag-akusa sa kanya ng panggagahasa.

Ngunit nagdesisyon ang Cebu City Regional Trial Court (RTC) na ibaba sa sexual assault ang kaso laban sa 22-year-old singer.

Noong August 31 ay na-dismiss ang kasong sexual assault matapos iurong ng complainant ang kanyang reklamo.


Stories We Are Tracking

Complainant withdraws case against singer Noven Belleza
Complainant withdraws case against singer Noven Belleza
Noven Belleza asserts innocence in sexual assault case
Noven Belleza asserts innocence in sexual assault case
Noven Belleza arrested in Cebu for alleged rape
Noven Belleza arrested in Cebu for alleged rape

Ayon kay Noven, “Dismissed po yung kaso kasi nilaban ko po. Ayun, na-dismiss po ng judge."

Sabi pa niya tungkol sa complainant, "Wala na siyang gustong ilaban pa, wala din po siya sa mga hearing."

Iginiit ni Noven na walang out-of-court settlement na naganap sa pagitan nila ng complainant.

Sabi niya, “Kausap ko po palagi yung abugado ko.

"Kung may settlement man, kasi pera ko ang gagamitin, ayoko."

Ngunit hindi na ipinaliwanag pa ng singer ang sagot niyang ito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Noven sa induction niya—kasama ang iba pang grand finalists ng Season 1 ng "Tawag ng Tanghalan"—bilang mga bagong miyembro ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM).

Ginanap ang induction, sa pangunguna ni OPM president Ogie Alcasid, sa ABS-CBN compound nitong Martes ng gabi, September 26.


LESSONS. Ano ang natutunan ni Noven sa mga pangyayari?

Saad niya, “Marami po akong napulot na mga aral po.

“Una mo po talagang matatakbuhan kung may mga problema ka ay ang pamilya mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para ngang naano na ako na magtiwala nang sobra sa isang tao. Hindi basta-basta magtiwala kahit kanino, except sa pamilya mo.”

Dahil din sa pangyayari, kinuyog ng bashers si Noven.

Base sa mga komento noon, sinira raw ni Noven ang tiwala ng mga sumuporta sa kanya noong contestant pa siya sa "Tawag ng Tanghalan."

Sinira rin daw ni Noven ang gumaganda na niyang singing career.

Tinatawanan na lang daw ng singer ang mga bashers, at nagpapasalamat sa mga nagtatanggol sa kanya.

“Sa mga nagba-bash sa akin, may mga ano rin po kasi, alam mong may bashers ka, tapos may mga taong tagahanga ka, sila naman po yung tumutulong sa 'yo na huwag na lang pansinin.

“Gawin mo na lang yung nakakabuti sa 'yo, yung motivation ko.

"Ganyan po ang paalala sa akin ng mga supporters ko."

Napikon ba siya sa mga bumatikos sa kanya?

“A, hindi po. Mahilig ako magbasa ng mga bash, e, tapos tinatawanan ko,” sagot ng singer na tubong-Victorias City, Negros Occidental.

HONING HIS CRAFT. Desidido raw si Noven na ipagpatuloy ang kanyang nasimulang singing career.

Aniya, “Gaya nga po ng palagi kong ipinapanalangin, kung saan man ako dalhin ng talent ko po, marami kasing tao...

"Alam ko po na marami pa kasing tao na humahanga sa akin, na gusto pang makarinig ng mga awitin ko, kaya yun po, patuloy pa akong aawit."

Dumating ba sa puntong naisip niyang katapusan na ng kanyang career ang pagkakasangkot niya sa kontrobersiya?

Tugon ni Noven, “Hindi po, kasi nananalangin po ako araw-araw, e. Tsaka naniniwala po ako sa Diyos.

"Kung mga pagsubok lang yun, iniisip ko na mga pagsubok lang talaga yun, e."

Paglinaw pa ni Noven, “Kasi hindi ko naman talaga ginawa, e.

"Tsaka walang pagsubok na hindi kayang lampasan.

“Hindi magbibigay si Lord ng pagsubok na hindi mo kayang lampasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iglesia [Ni Cristo] po ako, yun ang paniniwala ko."

Lalo rin daw tumibay ang kanyang pagkatao dahil sa kontrobersiya.

“Opo. Ang buhay ay maraming pagsubok ‘yan. Yun po,” pagtatapos ni Noven.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN