Prince Stefan chosen as Philippine ambassador to White Party Bangkok

IMAGE Prince Stefan Instagram

Prince Stefan on being chosen as White Party ambassador: "Out na naman ako, tsaka baklang event ito."


Si Prince Stefan ang official representative o ambassador ng Pilipinas sa White Party ngayong taon.

Ang White Party ay tinatawag na Asia's largest gay music festival na magaganap sa Bangkok, Thailand, mula December 28 hanggang December 31.

Hindi nagdalawang-isip si Prince na tanggapin ang imbitasyon dahil malaking karangalan daw para sa kanyang i-represent ang gay community ng ating bansa.

Kuwento ng 28-year-old actor, “This year, biglang nakatanggap ako ng message mula sa Thai organizer ng White Party.

“Sabi niya, ‘Okey lang ba na maging model ka, for the Philippines, to represent the Filipino?’

“Kailangan nila kasi ng hot, guwapo…

“Sabi ko, ‘It’s fine. I don’t have a problem.’

“Out na naman ako, tsaka baklang event ito.

“Puwede naman sa lahat ang White Party, but it’s basically for the gays.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Prince sa Hillside Café, Mother Ignacia, Diliman, Quezon City, kahapon, September 26.


Ayon pa kay Prince, “Ang mga dadalo at invited, mga bakla na classy.

“May mga Pilipino, pero yung nakaka-afford lang, kasi mahal, e.

“Maganda yung event, every year pinupuntahan siya ng mga tao. Para siyang Songkran.”

Ang Songkran ay ang New Year celebration ng mga Thai.

Sabi pa ng aktor, “Last year, buong grupo namin, yung Team Beh, nagpunta sa Bangkok.

“Walang ibang artista na member, puro mga guwapong bakla sa Pilipinas pero magkakarelasyon sila.

“Hindi namin inipon itong mga bakla, mga paminta, mga baklang magaganda ang katawan, sexy, hunk. Kusa lang kaming naging close.”

Sino sa mga kapwa niya artista ang gustong imbitahan ni Prince sa White Party?

Maingat na sagot ng StarStruck alumnus, “Ayan tayo, e…

“Wala, ayokong mag-name drop. Baka mawalan ako ng friends.

“Ayoko naman i-out yung mga hindi pa out.”

TELL-ALL BOOK. Makulay at intriguing ang kuwento ng buhay ni Prince, kaya may suhestiyon sa kanyang isalin sa libro ang kanyang life story dahil ito ang uso ngayon sa mga local celebrity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinag-iisipan daw mabuti ni Prince ang mungkahing magkaroon ng tell-all book na puwedeng i-publish ng VRJ Books, ang publishing company ng Viva Entertainment, dahil talent naman siya ng Viva Artists Agency.

Kung sakaling matuloy ang tell-all book, nagbigay si Prince ng assurance na walang dapat ikatakot ang mga aktor na nakarelasyon niya dahil hindi siya magbabanggit ng mga pangalan.

Samantala, lubos ang pasasalamat ni Prince sa Star Creatives ng ABS-CBN at sa executive na si Malou Santos dahil naging bahagi siya ng cast ng A Love to Last, ang primetime teleserye nina Ian Veneracion at Bea Alonzo na nagwakas noong September 22.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN