Ai-Ai delas Alas's daughter slams bashers over wedding-invitation issue: "Kayo ikakasal?"

IMAGE Instagram photo of Ai-Ai delas Alas

Ai-Ai delas Alas thanks daughter Sophia for defending her against bashers: "thank you anak sa pag tatanggol saken.. as always parate naman .. i love you baby girl .."


Tinawanan lang ng anak ni Ai-Ai delas Alas na si Sophia ang mga negatibong komento ng bashers tungkol sa kanilang mag-ina.

Sa kanyang Instagram account kahapon, September 26, ibinahagi ni Ai-Ai ang screenshot ng Facebook post ni Sophia, kung saan makikita ang reaksiyon nito sa hate messages sa isang artikulong lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang istoryang ito, na may titulong “Kris Aquino not invited to Ai-Ai delas Alas-Gerald Sibayan wedding?”, ay isinulat ng PEP.ph contributor na si Jojo Gabinete at nailathala noong September 25.

Sa loob ng artikulo ay nabanggit ang sagot ni Sophia sa mga nagtatanong kung imbitado ba si Kris Aquino sa kasal ng kanyang ina at ni Gerald Sibayan.

Buwelta ng 21-anyos na anak ni Ai-Ai: “Does she have to be? Being ‘okay’ with someone doesn’t give you an invite to a wedding.”

Dating matalik na magkaibigan sina Ai-Ai at Kris noong pareho pa silang nasa bakuran ng ABS-CBN, ngunit nagkaroon ito ng lamat dahil sa isang personal na isyu nila noon.

Bagamat nagkaayos na sila, hindi na nanumbalik sa dati ang kanilang pagkakaibigan.

SOPHIA STRIKES AGAIN. Dahil sa mga komento mula sa mga nakabasa ng artikulo ay muling nag-post ng mensahe si Sophia sa kanyang Facebook account kahapon.

Sabi ng nag-iisang anak na babae ng Comedy Queen: “All the comments about me here are funny HAHAHA.

“Oo puwede ako mag taray in english or tagalog kasi pakealamera kayo ng buhay eh.

“Kayo ikakasal? Eh di invite nyo si Kris Aquino sa kasal nyo.

“WAG DIN AKO MGA, 'BES' IM SHOOKT.”

Pinasalamatan naman ni Ai-Ai si Sophia sa pagtatanggol nito sa kanya.

Mensahe ng 52-year-old actress sa kanyang Instagram post: “Good morning .. eto ang post ng aking anak sa facebook nya.. first of all, thank you anak sa pag tatanggol saken.. as always parate naman .. i love you baby girl .. @sophdelasalas”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod nito ay inulit ni Ai-Ai ang kanyang panwagan na irespeto sana ng netizens ang kanyang nalalapit na pagpapakasal.

Sabi ng Sunday PinaSaya mainstay, “This is the most important part of my life wag nyo na po sanang haluaan ng negative..."

Hindi rin daw niya sasagutin ang mga katanungan tungkol kay Kris.

“Hindi ko sasagutin to anything about her kasi kahit maganda isagot ko wala din naman kayong maganda i co comment #basher and #haters.”

Sabi pa ni Ai-Ai sa huli, “'A MEANINGFUL SILENCE IS ALWAYS BETTER THAN A MEANINGLESS WORDS' GOD BLESS EVERYONE”

THE WEDDING. Gaganapin ang church wedding nina Ai-Ai at Gerald sa December 12, 2017.

Kabilang sa mga artistang dadalo sa kasal sina Congresswoman Vilma Santos-Recto at asawa nitong si Senator Ralph Recto, na tatayo bilang principal sponsors; si Sharon Cuneta bilang matron of honor; at Alden Richards bilang isa sa best men, kasama ang anak ni Ai-Ai na si Sancho Vito.

Samantala, sina Ogie Alcasid, Randy Santiago, Bayani Agbayani, Jerald Napoles, at Piolo Pascual ang ilan sa kanilang groomsmen.

Ang mga bridesmaid naman ay kinabibilangan nina Regine Velasquez, Eugene Domingo, Barbie Forteza, Rufa Mae Quinto, Valeen Montenegro, Lovely Abella, Malu de Guzman, at Pops Fernandez.

Ang “kambal” ni Ai-Ai na si Marian Rivera at asawa nitong si Dingdong Dantes ang magiging veil sponsors.

Si Pauleen Luna-Sotto naman ay candle sponsor.


Stories We Are Tracking

Ai-Ai names Vilma, Sharon, Piolo, Alden as part of entourage
Ai-Ai names Vilma, Sharon, Piolo, Alden as part of entourage
Ai-Ai delas Alas reveals prenup agreement with Gerald
Ai-Ai delas Alas reveals prenup agreement with Gerald


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN