President Duterte gets Gabby Concepcion mixed up with Gabby Lopez; calls ABS-CBN owner "mukhang pera"

IMAGE GMA News Online / Noel Orsal

President Rodrigo Duterte mixing up "Gabby Lopez" with "Gabby Concepcion" in speech draws funny reactions from netizens.


Diretsahang binira ni Pangulong Rodrigo Duterte si ABS-CBN Chairman and CEO Eugenio “Gabby” Lopez III sa talumpati nito kahapon, Setyembre 26.

Ngunit ang mainit na pambabatikos ay nahaluan ng katatawanan nang banggitin ng Pangulo ang pangalang “Gabby Concepcion” sa halip na “Gabby Lopez.”

Pahayag ni Presidente Duterte, base sa ulat ng GMA News Online: “Sino naka p*****ina ninyong lahat.

“Ikaw? Gabby Concepcion, mukha kang pera, p*****ina ka. E, totoo man. E, sus."

Sa ipinalabas na video clip sa Unang Balita ngayong araw, Setyembre 27, maririnig na nagtawanan ang ilan sa mga bisita sa 120th celebration ng Department of Justice (DOJ), kung saan nagtalumpati ang Pangulo. 

NETIZENS' FUNNY REACTIONS. Mabilis kumalat sa social media ang hindi sinasadyang pagbanggit ni Duterte ng pangalan ng Kapuso actor na si Gabby Concepcion sa kanyang talumpati.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng netizens hinggil dito:

MISSING ELECTION AD ISSUE. Sa kabilang banda, naitama ni Presidente Duterte ang pagtawag sa pangalang "Gabby Lopez" sa sumunod niyang pahayag.

Seryoso ang Pangulo nang ungkatin ang diumano’y panganguwarta at panggigipit sa kanya ng Kapamilya network noong 2016 elections.

Aniya, “Makinig ka, Gabby Lopez… Nag-place ako ng advertisement.

“Tinanggap ninyo yung pera kong two million.

"Para kasi wala akong advertisement, kita mo yung sa debate. 

"Tapos, every break sinisingitan nila ng propaganda ng mga kandidato, ako ang wala."

ALLEGED CORRUPTION. Naglabas din ng himutok ang Pangulo hinggil sa diumano'y pambabatikos sa kanyang administrasyon sa mga ulat ng ABS-CBN News and Current Affairs at broadsheet na Philippine Daily Inquirer.  

Ang dalawang nabanggit na news companies ay madalas laman ng himutok ng Pangulo dala marahil sa matapang na pamamahayag ng mga ito sa iba't ibang isyu sa bansa.  

Ayon kay Duterte, walang katotohanan ang alegasyong sangkot siya sa korupsiyon. 

“Tanggap nang tanggap kasi kayo ng pera in the name of greed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tanggap ng pera tapos kung makasalita kayo, pati yung Inquirer, kaming mga…

“Kung babuyin ninyo kaming mga taga-gobyerno, you picture us to be the corrupt o ano. Excuse me.

“Unfortunately, hindi ako ganoon. I would not have survived.”

Liban sa alegasyong korupsiyon, inuulan ng kritisismo ang administrasyong Duterte sanhi ng extrajudicial killings kaugnay ng agresibong kampanya ng gobyerno laban sa droga. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN