Noven Belleza: "Wala po akong ikinakahiya, wala po akong kasalanan."

IMAGE Noel Orsal

Tuloy lang daw ang buhay ni Noven Belleza ngayong na-dismiss na ang reklamong sexual assault laban sa kanya. 


Pinaninindigan ni Noven Belleza na inosente siya sa kasong sexual assault na isinampa laban sa kanya ng isang local singer sa Cebu.

Diin ng 22-year-old singer, “Wala po akong ikinakahiya, wala po akong kasalanan.

“Malinis po yung konsensiya ko mula nung pinaratangan ako ng ganyan.”

Ito raw ang dahilan kaya na-dismiss ang kaso laban sa "Tawag ng Tanghalan" grand champion, matapos iurong ng complainant ang reklamo nito.

Ngayon ay tuloy lang daw ang buhay para kay Noven.

Pahayag niya, “Sa akin, wala na akong masasabi, kasi na-dismiss na yung kaso, e.

“Ayoko nang palakihin pa. Binigyan naman sila ng pagkakataon na ilaban.

“Ngayon na-dismiss na, kasi wala naman silang intensiyon na ilaban talaga.

"Kaya ayun, ipinagpasalamat ko na lang sa Maykapal na na-dismiss na yung kaso.

“Ayun, tuluy-tuloy ang buhay. Wala na akong idadagdag pa.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Noven pagkatapos ng induction niya bilang bagong miyembro ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM), sa ABS-CBN compound, Martes ng gabi, September 26.


Stories We Are Tracking

Noven Belleza denies out-of-court settlement
Noven Belleza denies out-of-court settlement
Noven Belleza sighs in relief after case withdrawal
Noven Belleza sighs in relief after case withdrawal
Complainant withdraws case against singer Noven Belleza
Complainant withdraws case against singer Noven Belleza

NO HURT FEELINGS. Tumanggi nang magsalita si Noven tungkol sa naging ugnayan nila ng complainant bago ito maghain ng reklamo laban sa kanya.

“About sa ganyan po, ayoko na mag-comment,” sambit niya.

Napatawad na ba niya ang complainant sa ginawa nitong akusasyon laban sa kanya?

Tugon ni Noven, “Wala naman po akong sama ng loob about sa kanya, ipapanalangin ko na lang.

“Ako, wala akong inaapakang tao, alam niya yun, alam ng Diyos yun.

"Ipinagpasalamat ko na lang na na-dismiss na yung kaso."

May kutob ba siyang ipapahuli siya ng complainant dahil sa bintang nitong panggagahasa?

Ayon sa singer, “Ako, wala talaga akong alam, e.

"Yung ganyan sa detalye ng mga ‘yan, kasi pabawi-bawi naman ng ano...

"Ayoko na pong pag-usapan kasi wala naman po akong alam, e.

“Ngayon, kung ano yung ibinato niya sa akin, gusto kong ilaban yun, e, sa korte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa korte na lang sana patunayan.

“Ngayon, napatunayan na, na-dismiss, kaya ayun po.

"Ngayon, about sa mga tsismis na ‘yan, ayoko nang patulan.”

Sa tingin ba ni Noven ay muntik nang nasira ang papausbong pa lang niyang singing career dahil sa pumutok na kontrobersiya tungkol sa kanya?

Tugon niya, “Hindi naman sa nasira, bale sinubok kung gaano katibay yung supporters ko. Kung gaano sila ka-loyal sa akin.

"Ayun, lubos kong naramdaman at nakita ko kung gaano nila ako kamahal."


Stories We Are Tracking

Noven Belleza asserts innocence in sexual assault case
Noven Belleza asserts innocence in sexual assault case
Prosecutor downgrades Noven Belleza case to sexual assault
Prosecutor downgrades Noven Belleza case to sexual assault
Alleged details in rape complaint vs Noven Belleza come out
Alleged details in rape complaint vs Noven Belleza come out
Noven Belleza arrested in Cebu for alleged rape
Noven Belleza arrested in Cebu for alleged rape


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN