Gabby Concepcion on President Duterte's gaffe: "We all make mistakes."

IMAGE Noel Orsal

Ayon kay Gabby Concepcion, lahat ng tao ay nagkakamali kaya hindi na raw dapat seryosohin ang naging mali ni President Rodrigo Duterte sa pasaring nito kay ABS-CBN Chairman Gabby Lopez. Sa halip kasi na "Gabby Lopez" ang sabihin ng Pangulo ay "Gabby Concepcion" ang nasambit nito sa isang talumpati.


Tinatawanan lamang ng aktor na si Gabby Concepcion ang maling pagturing ni Presidente Rodrigo Duterte sa kanya sa talumpati nito kagabi, Setyembre 26.

Sa ika-120 anibersaryo ng Department of Justice (DOJ) sa Philippine International Convention Center (PICC), sinabi ng Pangulo: “Ikaw? Gabby Concepcion, mukha kang pera, p*****ina ka. E, totoo man. E, sus."

Ang pinatutungkulan dito ni Duterte ay si Gabby Lopez, ang chairman at CEO ng giant network na ABS-CBN.

Ngunit ang nabanggit ng Pangulo ay ang pangalan ng Kapuso actor.

Lumikha kaagad ng ingay at memes sa social media ang pagkakamaling ito ng Pangulo.


Stories We Are Tracking

Duterte hits Gabby Lopez but calls out Gabby Concepcion
Duterte hits Gabby Lopez but calls out Gabby Concepcion

Sa pamamagitan ng Instagram ay nagbigay ng reaksiyon si Gabby Concepcion, na bida sa top-rating afternoon drama series ng GMA-7 na Ika-6 Na Utos.

Sabi ng 52-year-old actor sa post niya ngayong araw, September 2, “We all make mistakes."

Biro pa niya, "Thank you for watching Ika 6 na Utos, Sir President."

Ginamit din ni Gabby ang mga sumusunod na hashtags: "#DU30 #ika6nautos #forgive #goodvibes #goodvibesonly #gmadrama #gmanewstv"

Kasunod nito ay nag-post si Gabby ng mga artikulo at video clips tungkol sa Ika-6 Na Utos, kung saan ginamit niya ang hashtags na "#mistaken" at "#mistakenidentity."

Si Gabby Concepcion ay aminadong tagasuporta ni Pangulong Duterte.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN