Angel Locsin on hate messages from KathNiel fans: "Hindi ako magpapa-bully."

IMAGE Noel Orsal / Twitter @143redangel (inset)

Angel Locsin's statement in relation to KathNiel fans bullying her: "Nababasa ko kasi yung mga bashing ng ibang kn fans at wala na talaga sa lugar. Hindi lang sa account ko, pati sa ibang accounts. Sa lagay na yun, right ko naman na ipagtanggol ang sarili ko di ba?"


Hindi pinalampas ni Angel Locsin ang masasakit na salitang natatanggap niya mula sa ilang fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na hindi sang-ayon sa lead role ng aktres sa ABS-CBN primetime series na La Luna Sangre.

Ang La Luna Sangre ay pinagbibidahan ng KathNiel o KN, itinuturing na isa sa pangunahing love teams sa Kapamilya network.

Bilang isa sa premyadong aktres ng ABS-CBN, malaki rin ang papel ni Angel sa teleserye.

Gayunpaman, may ilang netizens ang nagpapakalat ng below-the-belt comments dahil sa pagkakabilang ni Angel sa teleseryeng pinagbibidahan ng kanilang mga idolo.

Partikular na rito ang Instagram user na may handle name na @djkath1117, na minura at sinabihan pa ang aktres ng "Mamatay ka na."




Sa comments thread sa kanyang Instagram, naglabas si Angel ng saloobin hinggil sa pambabatikos ng KathNiel fans.

Karapatan daw ng aktres na depensahan ang sarili laban sa paninira sa kanya sa social media.

Sabi ni Angel: “Nababasa ko kasi yung mga bashing ng ibang kn fans at wala na talaga sa lugar.

“Hindi lang sa account ko, pati sa ibang accounts.

“Sa lagay na yun, right ko naman na ipagtanggol ang sarili ko di ba?

“Hindi ko na ilalahat kasi marami namang mabait na kn fans.

“Natouched nga ako nung bumisita pa ang iba sa set para mag apologize. Ang sweet nun. Ayun.”

Patuloy ng 32-year-old Kapamilya actress, buo ang suporta niya sa KathNiel at labas ang pakikipagtrabaho niya sa young stars sa pagsagot sa bashers.

“Hindi lang talaga ako magpapa-bully lalo na't malinis ang intention ko at wala akong ginagawang masama.

“Sa dami na rin po ng napagdaanan ko at sa tagal ko na sa showbiz, maniwala kayong naiintindihan ko kayo.

“Pero konting antay na lang po sa kwento. Marami pang magandang mangyayari kung matuloy ito.”

Ang kapalitan ni Angel ng comments dito ay ang sariling mga tagasuporta at hindi mismong KathNiel fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANGEL VS. KATHNIEL FANS' TWEETS. Sa hiwalay na pahayag ni Angel sa kanyang Twitter account, ipinagtaka niya kung bakit tila hindi marunong rumespeto ang ilang kabataang netizens.

Gayunman, may ilang KathNiel fans ang naghayag ng kanilang “dismaya” sa ipinakita umanong “ugali” ni Angel.

Isa-isang sinagot ng aktres ang netizens na binigyan ng ibang kulay ang pagdepensa niya sa nararanasang pambu-bully ng ilang netizens.

Sabi ni Angel, "maayos" ang sagot niya maging sa mga "bastos na comments."

WRONG INTERPRETATION. Ipinagtaka rin ni Angel ang alegasyon ng ilang fans na idinadawit niya sa isyu ang KathNiel.

Giit ng aktres, "Bagets bashers kasi ang usapan. Pinalabas lang ng mga walang konsensyang tao na about sa dalawa yung convo."

Sinubukan ni Angel na linawing hindi sina Kathryn at Daniel ang tinutukoy niya sa kanyang tweets, kundi fans na hayagan kung makapagsalita ng hindi maganda sa kanya.

Ngunit "parang walang point" dahil sarado raw ang isip ng iba.

Narito ang iba pang tweets ni Angel sa KathNiel fans:

Noong September 7, nakasagutan din ni Angel ang ilang KathNiel fans na hindi pabor sa pagpasok niya sa La Luna Sangre.
Nilinaw ni Angel noon na hindi niya intensiyong sapawan ang KathNiel sa programa.

Stories We Are Tracking

Angel Locsin responds to hate messages from KathNiel fans
Angel Locsin responds to hate messages from KathNiel fans
Angel Locsin on LLS: Hindi naman ako yung makikinabang dito.
Angel Locsin on LLS: Hindi naman ako yung makikinabang dito.

Bago pa umere ang La Luna Sangre noong Hunyo, nauna na ring sinabi ni Angel na walang isyu sa pagitan niya at ng KathNiel.

Stories We Are Tracking

Angel Locsin apologizes to netizen she mistook for a hater
Angel Locsin apologizes to netizen she mistook for a hater
Angel Locsin says no to comparison with Kathryn Bernardo
Angel Locsin says no to comparison with Kathryn Bernardo




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN