Joshua Garcia shows how special Julia Barretto is to him

IMAGE Mark Atienza

Joshua Garcia on his relationship with Julia Barretto: "Hindi kami nagmamadali sa mga rela-relasyon. Saka nag-iipon pa ako… lakas ng loob, lakas ng puso."


Expected naman daw ni Joshua Garcia na siya ang magiging date ni Julia Barretto sa Star Magic Ball, na gaganapin sa Shangri-La Makati ngayong Sabado, September 30.

Pero nag-effort pa rin daw siya para ipakita kung gaano kaespesyal at kamahal sa kanya ang ka-love team.
   
Sabi ng 19-year-old actor, “Ganito ‘yan, parang feeling ko naman, kahit di ako tanungin, magiging partner ko pa rin siya sa Ball.

“Kaya lang, ang pangit naman nun sa side ni Julia, gusto ko rin ma-feel niya na tinanong siya, yung effort, yung effort yun, e.

“Kahit gaano kasimple pa ang gagawin mo para sa isang babae, kung may effort ka, masasabi mong mahal mo yung tao na yun.”

Dito na nga kinilig ang fans nina Joshua at Julia sa lumabas na video, kung saan hinarana ng ilang mga bata ang 20-year-old actress bago ito binigyan ng mga bulaklak ng binata.

May dala-dala ring placards ang mga kumanta na kapag binuo ay mababasa ang "WILL U BE MY DATE?"

WATCH: Joshua Garcia's way of making Julia Barretto say "yes" to be his date will make you kilig

Kuwento pa ni Joshua, “Inisip ko, naisip ko kasi, si Julia mahilig sa bata, so kumuha ako sa Children’s Joy Foundation ng mga bata na kumakanta.

“May pinaaral akong kanta sa kanila, tapos yung placard na hawak nila, pinagpuyatan namin yun.

“Bumili ako ng cardboard, illustration board, siguro ten pieces yung binili ko na illustration board, ginupit namin yun.

“Bumili din ako kartolinang pula, ginupit-gupit lang.”

Halatang nagulat naman at medyo teary-eyed si Julia sa naging gesture ni Joshua, bagay na sobrang ikinatuwa ng aktor.  

“I’m happy na napasaya ko siya, yun lang naman ang importante sa akin, yung mapasaya ko siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joshua sa studio ng ASAP, sa loob ng ABS-CBN compound, noong Linggo, September 24.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE REAL SCORE. Pero ano na nga ba ang estado ng relasyon nila ni Julia?

Tugon ni Joshua, “Ganun pa rin kasi kami ni Julia, hindi kami nagmamadali sa mga rela-relasyon.

“Sinusulit namin kada oras na dumaraan, kasi minsan lang dumaan ito sa amin, so sinusulit namin talaga.

“If talagang nandun na kami, sa gusto na kami na lang talaga, yung ganun, saka ko siya tatanungin.

“Saka nag-iipon pa ako… lakas ng loob, lakas ng puso.”
 
Pagkatapos ng tambalan nila sa pelikulang Love You To The Stars And Back, masayang binalita ni Joshua na may mga nakalinyang pelikula at soap na pagtatambalan nilang muli ni Julia.
   
“Sana ipagdasal nating lahat na matuloy,” sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN