Noven Belleza's girlfriend stands by singer amid past controversy

IMAGE Noel Orsal

Noven Belleza to those who judged him even without knowing his side: "Likas na talaga sa mga Pilipino na buhay ka pa, pero naano ka na... Ipu-prove ko po sa inyo 'yan na mali po yung iniisip niyo sa akin. Di ko alam kung anong gagawin ko, pero andito pa po ako, at ipu-prove ko 'yan sa inyo."


Ayon sa singer na si Noven Belleza, ang kanyang pamilya at kasintahan ang naging sandigan niya nang masangkot siya sa kontrobersiya.

Noong Agosto ay kinasuhan ng sexual assault ang kauna-unahang "Tawag Ng Tanghalan" grand champion matapos siyang akusahan ng isang local singer sa Cebu ng panggagahasa.

Ngunit na-dismiss din ang kaso pagkatapos iurong ng complainant ang kanyang reklamo.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media kay Noven noong Martes, September 26, inusisa siya kung naapektuhan ba ang kanyang nobya sa kontrobersiyang kinasangkutan niya.

Tugon ng 22-year-old singer mula sa Negros Occidental, “Naapektuhan po, pero hindi basta-basta naniniwala yun.

“Naiintindihan niya po at alam po yun ng nakakakilala sa kanya.”

Kababayan ni Noven ang kanyang girlfriend.

Ngayon ay ini-enjoy lang daw nila ang kanilang relasyon at wala pang balak magpakasal.

Ang kanyang singing career daw muna ang aasikasuhin ni Noven ngayon.

Ano naman ang mensahe ni Noven sa mga taong hinusgahan kaagad siya kaugnay ng sexual assault case na isinampa laban sa kanya?

Saad niya, “Likas na talaga sa mga Pilipino na buhay ka pa, pero naano ka na...

"Ipu-prove ko po sa inyo 'yan na mali po yung iniisip niyo sa akin.

“Di ko alam kung anong gagawin ko, pero andito pa po ako, at ipu-prove ko 'yan sa inyo.”


Stories We Are Tracking

Noven:
Noven: "Wala po akong ikinakahiya, wala po akong kasalanan."
Noven Belleza denies out-of-court settlement
Noven Belleza denies out-of-court settlement
Noven Belleza sighs in relief after case withdrawal
Noven Belleza sighs in relief after case withdrawal
Complainant withdraws case against singer Noven Belleza
Complainant withdraws case against singer Noven Belleza

INVESTMENTS. Aminado si Noven na sa kanyang pagkapanalo sa “Tawag Ng Tanghalan,” malaki ang naging pagbabago sa buhay niya at sa kanyang pamilya.

Ang pamilya ni Noven ay nagtatanim ng tubo sa Victorias City, Negros Occidental.

Lahad ng dating magsasaka, “Nabago po ang buhay namin.

"Dati, alam niyo naman po ang totoong istorya ng buhay ko, e.

“Hindi namin alam kung sa isang linggo ba na ito sulit ang panggastos namin, sa amin... mapagkukunan namin araw-araw.

"Hinahanap po namin 'yan, every week.

“Pero ngayon nanalo ako sa 'Tawag Ng Tanghalan,' alam niyo po na may edad na si Papa...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya yung nakikita ko na nagtatrabaho kami, nasusugatan kami, nanghihina na siya, marami nang nararamdaman sa katawan, parang mabigat sa akin.

"Pero ngayon, dahil sa nanalo ako, hindi na siya masyadong nagtatrabaho, dahil nabibigyan ko na sila ng mapagkukunan araw-araw.”

Bilang grand champion ng "Tawag ng Tanghalan," nanalo si Noven ng P2 million cash prize, recording contract, at brand-new house and lot.

Saan napupunta ang perang napanalunan niya?

Ayon kay Noven, “Kasi dun po sa amin, uso po yung pagsasanla.

"Isinasanla nila yung lupa nila, tubuhan din po, tubuhan kasi yung sa Negros.

"Kaya kinukuha ko po yun, ibinibigay ko po yun [para] sa mga magulang ko.

“Sila na po ang bahalang magtanim at makakalakal.

"Yun po ang ginagawa ko, namimili po ako ng lupa dun."

Ang iba naman daw ay ginamit ni Noven para sa pag-aaral ng apat niyang kapatid at pagpapagawa sa luma nilang bahay sa Negros.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN