Former Senator Bong Revilla hopes for positive results on last day of plunder trial

IMAGE Mark Pimentel

Mensahe ni dating Senador Bong Revilla tungkol sa huling araw ng kanyang plunder trial: "After 1,194 days in detention, today could be the last day of trial when the prosecution presents its last witness."


Ngayong araw, Setyembre 28, ang presentation ng prosecution sa huling testigo nila kaugnay ng plunder case na kanilang isinampa laban sa aktor at former senator na si Bong Revilla Jr.

Kinasuhan ng plunder ang dating senador dahil sa pagkakadawit ng pangalan niya sa pork barrel scam.

Ang patuloy na pagdarasal para lumitaw ang katotohanan ang hiling ni Bong sa mga nagmamahal sa kanya at sa mga supporter niya.

Bilang na bilang ni Bong ang araw ng pananatili niya sa PNP Custodial Center, mula nang sumuko siya noong June 20, 2014.

Mensahe ng 51-year-old actor-politician sa kanyang Facebook post ngayong araw, “After 1,194 days in detention, today could be the last day of trial when the prosecution presents its last witness.

“Salamat po Lord sa lakas na ibinigay niyo sa akin para lampasan ang mahigit sa tatlong taong ito ng matinding pagsubok.

“Nawa ay patuloy niyo akong bigyan ng tibay ng isip, puso at damdamin para patuloy pang suungin ang mga darating. Lord, sana matapos na po ito.

“Humihingi naman ako ng patuloy na panalangin sa mga walang sawang nagmamahal at susumusuporta sa akin, na sana ay matapos na ang kalbaryo nating ito.   

“Ipagdasal nating sama-sama na mangibabaw na ang katotohanan at katarungan at tuluyan nang sikatan ng liwanag ang napakadilim na yugtong ito ng aking buhay.

"In God's grace, justice shall soon prevail."

Umaasa si Bong, na tulad ng kanyang co-accused na si ex-Senator Jinggoy Estrada, papayagan din siya ng Sandiganbayan na makapagpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN