UPDATED. Manny Pacquiao to 'Chicks in the Office' host: "You can call me anytime."

IMAGE Facebook account of Manny Pacquiao (main)/Screenshot from @chicksintheoffice on Instagram (inset)

American vlogger Frances Mariano caught Senator Manny Pacquiao's comments on her fellow vlogger Ria Chiuffo's Instagram live feed.


Tila hindi unang beses nag-comment ni Senator Manny Pacquiao sa Instagram live session ng vloggers.


Matapos maibalita ang pagko-comment niya ng “hello” at “where are you from” sa live feed ng social media sensation na si Arzaylea Rodriguez nitong weekend, lumabas din ang isa pang pagkakataog nag-comment si Pacquiao sa live streaming ng American vlogger na si Ria Chiuffo.

Si Ria ay reporter sa satirical sports blog na Barstool Sports. Isa rin siya sa mga may-ari ng Instagram account na @chicksintheoffice.

Ang kasamahan niyang si Frances Mariano ang nag-post ng screenshots ng mga komento ni Pacquiao sa kanilang Instagram account.

Sabi pa niya sa caption: “@mannypacquiao popped into Ria's Instagram live to say 'hello.'"

Sa mga screenshot, makikita ang mga comment ni Pacquiao, gamit ang kanyang verified account: “Hello,” “Yes its me thank you,” “I'm fine thank you,” at “You can call me anytime.”

@mannypacquiao popped into Ria's Instagram live to say "hello"

A post shared by Fran & Ria (@chicksintheoffice) on

Hindi matutukoy sa screenshots kung sino ang kausap ni Manny, pero base sa mga komento, si Ria ang kausap ng Filipino boxer-politician.

Ang kasamahan ni Ria na si Frances ay nag-comment pa ng: “I'm a little scared.”


Iba-iba naman ang naging reaksiyon ng followers ng @chicksintheoffice sa mga comment ni Pacquiao:




PACQUIAO RESPONDS. Sa bagong panayam kay Paqcuiao, nilinaw nitong ang komento niyang "you can call me anytime" ay sagot sa imbitasyon ng vloggers na interbyuhin siya.

Pahayag ng Pambansang Kamao, "Ini-invite nila ako sa New York, sa radio station nila. 

"Sabi ko, 'I'm in the Philippines, I cannot come.'

"Sabi ko, 'You can call me anytime.'"

Samantala, nauna nang sinabi ni Pacquiao na walang malisya ang pagko-comment niya sa live feed ni Arzaylea.

Katuwiran ni Pacquiao, “Lahat naman, puwedeng makipag-usap sa ‘kin live. Wala namang malisya dun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Pacquiao posts comments on 22-year-old's IG live video
Pacquiao posts comments on 22-year-old's IG live video


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN