Agot Isidro reacts to latest fake news about her

IMAGE Allan Sancon

Agot Isidro is not afraid to voice out her criticisms against the current administration. "I think it's everyone's right to say what they feel is wrong or to express, kunwari, kung ano yung di nila gusto. And they're also free to express kung ano yung gusto nila," she says.


Kaagad na nag-react si Agot Isidro sa pagkalat ng panibagong fake news tungkol sa kanya.

Sa isang artikulong lumabas sa blogpost na latestdutertenews ay nakalagay ang headline na ito: "ANTI to PRO?: Agot Isidro humingi ng tawad sa kanyang post."

Nakasaad sa kalakip na artikulo ang paghingi raw ng tawad ni Agot "dahil sa pagsama niya diumano sa opposition party laban sa administrasyon."

May quote pa raw na ganito mula sa 51-year-old actress-singer: "Sorry i was wrong to side to the opposition party. I'm sorry."

Si Agot ay kilalang kritiko ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, at aminadong tagasuporta ni Vice President Leni Robredo, na kabilang sa Liberal Party.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ay pinabulaanan ni Agot ang nilalaman ng fake news tungkol sa kanya.

Sabi niya: "Sa pagkakaalam ko, wala naman ganitong nangyari. Nagulat din naman ako."

FREEDOM OF EXPRESSION. Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Agot sa pictorial ng pelikulang Changing Partners, kahapon, September 27.

Dito ay iginiit niyang hindi siya nagpapaapekto sa mga pambabatikos sa kanya ng mga netizen, na karamihan ay masugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte.


Stories We Are Tracking

Agot Isidro calls out 'rape' tweet from basher
Agot Isidro calls out 'rape' tweet from basher

Pahayag niya, “Wala, hindi ko sila pinapansin, kasi kilala ko ang sarili ko.

“Hindi ako nagpapadala sa mga batikos, so deadma.

“Pag ganyan na mga hirit nila, kung gusto mo akong kausapin, you want to engage me in a conversation, stick to the issues, then mag-usap tayo.

“Pero pag ganyan ang ano, 'Ha?' Parang sa akin, ang hina ng kaso mo kung 'yan ebidensiya.’”

Ayon pa kay Agot, ginagamit niya ang kanyang karapatan bilang isang Filipino upang punahin ang kung ano sa tingin niya ay mali sa kasalukuyang administrasyon.

“I think it’s everyone’s right to say what they feel is wrong or to express, kunwari, kung ano yung hindi nila gusto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And they’re also free to express kung ano yung gusto nila.

“Ganun lang naman yun, so dapat hindi tine-take personally. Let’s do it constructively.

“Siguro naman mayroon akong point, siguro may point din sila.

“Let’s just be open and listen to each other.”

Patuloy pa niya, “See lahat ng nangyayari for what it is.

"Kung may mga kasinungalingang nangyayari, mayroong kasinungalingan, bakit mo itatago yun?

“Sa akin, ganun lang, let’s just be truthful, direct to the point.

“Gusto lang naman natin na umunlad ang bansa, e, lahat naman gusto.

“Sa akin, let’s take it constructively, lahat ng criticisms.

“Marami lang mali kaya napupuna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN