Arci Muñoz shrugs off talks about her new look: "What's wrong with that?"

IMAGE Screen grab from ABS-CBN

Arci Muñoz on bashers: "Sabi ko nga, I'm just really amazed how people have so much time, they have so much time to things like this. I just really don't give, you know it already."


Walang nakikitang masama si Arci Muñoz kung sakali mang totoo ang balitang sumailalim siya sa panibagong plastic surgery.

Ito ay kaugnay ng kapansin-pansing pagbabago sa hitsura ng Kapamilya actress, kumpara noong nagpu-promote siya ng pelikula ni Gerald Anderson, ang Can We Still Be Friends, bandang buwan ng Mayo at Hunyo.

Kasunod nito ay ang paglabas ng videos kung saan kasama naman ni Arci ang non-showbiz boyfriend niyang si Anthony Ng.

Nakasuot ng face mask ang aktres, kaya duda ng ilang netizens, mukhang may itinatago raw ito.

Trending topic din sa Twitter ngayong Huwebes, September 27, ang unang paglabas ni Arci sa ABS-CBN daytime series na Ikaw Lang Ang Iibigin.

Kahapon, September 27, unang lumabas ang karakter ni Arci sa teleseryeng pinagbibidahan nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Pinuna ng netizens ang malaking pagbabago sa hitsura ng aktres.

Ngunit ipinagkikibit-balikat lamang ni Arci ang lahat ng mga usap-usapang ito tungkol sa kanya.

Sabi ng 28-year-old actress, “It’s my life, my rules.”

At hindi rin daw niya kailangang mag-deny.

“Deny? No, never, what’s wrong with that?

“As if naman I committed a crime.”

Hindi rin daw siya nagpapaapekto sa pamba-bash na ginagawa sa kanya ng ilang netizens.

Saad niya, “Hindi ako nagbabasa. Actually, hindi naman ako mahilig sa social media.

“Sabi ko nga, I’m just really amazed how people have so much time, they have so much time to things like this.

“I just really don’t give, you know it already.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arci sa shop ng fashion designer na si Francis Libiran, sa Sct. Bayoran, Quezon City, noong Miyerkules, September 27.

ARCI’S BOYFRIEND. Samantala, sa kabila ng pag-amin tungkol sa relasyon niya sa Chinese businessman na si Anthony Ng, ayaw isapubliko ni Arci ang tungkol sa relasyon nila.

Saad niya, “Okay naman, okay naman kami. Tahimik, masaya…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think it’s better na ganun.

“He’s really a very private person and I don’t wanna invade his privacy just because, di ba... siyempre, pati part na yun ng buhay ko, ipa-publicize pa?”

Nakilala na rin daw niya ang pamilya ng nobyo.

“Yeah, sobrang bait, they welcome me to their family na parang anak nga nila ako, kasi only child siya.

“Feeling ko nga, ako yung anak…

“Sinasabi nga niya, ‘Bakit parang ikaw yung anak?’ Kasi mas inaasikaso ako, ayun.”

Pero mag-isa raw na rarampa si Arci sa Star Magic Ball 201, na gaganapin sa Makati Shangri-La, ngayong Sabado, September 30.

“Solo lang ako, lagi naman akong solo.

“Lagi akong fifth wheel, or sixth wheel, seventh wheel…

“Malay natin, next year, next Ball… di ko alam, e.

“Laging saling cat lang ako ako kila Papa P [Piolo Pascual], kila Echo [Jericho Rosales], yung mga tropa ko, one of the boys ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN