Sharon Cuneta gets "kilig" after President Duterte mentions her in his speech

IMAGE Mark Atienza / You Tube

Megastar Sharon Cuneta is overwhelmed by President Rodrigo Duterte's mention of her name in his speech last Tuesday, September 26.


Kinilig ang Megastar na si Sharon Cuneta dahil sa pagkakabanggit ng kanyang pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa talumpati nito.

Nabanggit ni Pangulong Duterte ang pangalan ni Sharon sa dalawang pagkakataon.

Una, sa talumpati niya sa 120th anniversary ng Department of Justice, sa Pasay City, noong Martes, September 26.

Nagsimula ito nang banggitin ng Pangulo ang kanyang “utang na loob” kay Senator Kiko Pangilinan, mister ni Sharon.

Ikinuwento ni Duterte na minsan ay hiniling ng kanyang anak na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte na makita si Sharon.

“Pangilinan is my friend at may utang na loob ako sa kanya.

“Si Inday, when she was in Grade 6, Grade 5, sabi ko, ‘Anak, anong gusto mong birthday gift?’

"Sabi niya, 'Gusto ko magkasama kami ni Sharon Cuneta.'"

Ang ikalawang pagkakataong nabanggit ni Pangulong Duterte si Sharon ay sa speech niya sa 56th anniversary ng Philippine Constitution Association sa araw ding iyon.

Dito ay ikinuwento ng Pangulo na tinawagan niya si Senator Kiko upang tuparin ang birthday wish ng anak na si Inday Sara.

“I had to call Senator Pangilinan. 'Senator, I owe you for doing this for my daughter. I respect you,'” saad ng Pangulo.

Hindi malinaw kung ano ang nag-udyok kay Pangulong Duterte na purihin si Senator Kiko, na namumuno ngayon sa Liberal Party, ang opposition party.

SHARON'S POST. Hindi naman pinalampas ni Sharon ang pagkakataon upang pasalamatan si Pangulong Duterte sa pagkakabanggit nito ng kanyang pangalan.

Kinilig daw ang 51-year-old actress-singer dahil dito.

Sabi ni Sharon sa kanyang Facebook post ngayong Huwebes, September 28: “(All politics aside -- into which I have unfortunately been dragged by mere association to my Senator-hubby's work.)

"Thank you, Mr. President Duterte, Sir, for what you said on the news about me and my friend Mayor Inday Sara last night.

"May God bless you, Sir!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So "kilig!" Might be an inappropriate word, everyone --but hey - it's how I feel."


Samantala, sa comments section ng Facebook post ni Sharon, may ilang netizens na nagsagutan dahil sa ginawang pagtawag ng Pangulo kay Senator Kiko na “friend.”

May mga kumukuwestiyon sa motibo ng Pangulo at kumampi sa senador. 

Nahimok naman si Sharon na magkomento at nakiusap sa netizens na huwag mag-away.

Pahayag niya: “Everyone let's aim for peace here. Doesn't matter. We know they are on opposing sides. But I appreciate the President’s respect for him, and me, and my friendship with Inday Sarah which started long before anyone knew Pres. Duterte was going to run for his present position.”


Sa talumpati rin ni Pangulong Duterte sa 120th anniversary ng Department of Justice, hindi naman sinasadyang nabanggit ang pangalan ng ex-husband ni Sharon na si Gabby Concepcion.

Habang binabatikos ang giant network na ABS-CBN ay sinabi ng Pangulo: "Ikaw? Gabby Concepcion, mukha kang pera, p*****ina ka. E, totoo man. E, sus."

Ang ibig tukuyin dito ng Presidente ay ang chairman at CEO ng ABS-CBN na si Gabby Lopez.


Stories We Are Tracking

Duterte hits Gabby Lopez but calls out Gabby Concepcion
Duterte hits Gabby Lopez but calls out Gabby Concepcion
Gabby Concepcion reacts to President Duterte's blunder
Gabby Concepcion reacts to President Duterte's blunder


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN