Inah de Belen reveals why dad John Estrada has not yet met her BF Jake Vargas

IMAGE Instagram

Inah de Belen says her dad John Estrada is not strict when it comes to her relationships. She says her dad's advice to her is: "Huwag sobrang serious muna. Just enjoy." Inah is now in a relationship with fellow Kapuso star Jake Vargas.


Mag-iisang taon na ang relasyon ng Kapuso stars na sina Inah de Belen at Jake Vargas, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapakilala ng dalaga ang boyfriend sa kanyang ama na si John Estrada.

Natatawang sabi ng panganay na anak nina John at Janice de Belen, “Hindi pa! 

“E, kasi ang tatay ko na yun, ang dami niyang ginagawa. 

"I don’t know kung tapos na siyang mag-shoot for his indie movie, tapos may teleserye siya."

Patuloy pa ng 25-year-old actress, “He’s very, very busy. 

“Tapos ang alam ko, almost every day na rin ang taping niya.”

Kasama si John sa bagong primetime series ng ABS-CBN na The Good Son.

Nagkikita naman daw silang mag-ama, ngunit hindi raw niya naisasama si Jake, 25, dahil madalas itong nasa Subic.

Ayon kay Inah, “Minsan kasi nasa Subic si Jake kapag magkikita kami.

“Madalas weekend kaming magkita. 

“E, si Jake kasi, umuuwi ng Subic tuwing weekend.

“May family rin siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Inah sa taping ng Kapuso drama anthology na Magpakailanman noong September 21.

Naipalabas ang naturang episode, kung saan nakapareha ni Inah si Martin del Rosario, noong Sabado, September 23.

IS JAKE AFRAID OF INAH'S DAD? Hindi kaya takot lang si Jake makita ang daddy ni Inah?

“Sobrang gusto niya nga na ma-meet ang dad ko!” natawang sagot ng dalaga.

“And my dad wants to meet him also, pero hindi lang nagkakaroon ng opportunity.”

Napag-uusapan ba nilang mag-ama ang tungkol sa relasyon nila ni Jake?

Ayon kay Inah, “Oo naman.

"Well, yun, sabi niya, 'Enjoy. Huwag sobrang serious muna. Just enjoy. 

"'Don’t think of anything, just the present muna.'"

Hindi raw siya pinaghihigpitan ni John pagdating sa romantic relationships.

Patuloy ni Inah, “Nagkaroon na ako ng dalawang boyfriend before, and I’m working already, adult na ako. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s not a problem anymore. 

“Ang sinasabi na lang nila sa akin, 'Just be careful.'

“And nakikita naman nila na mabait si Jake sa akin, at medyo close rin naman si Jake sa family ko. 

“Si Jake, close siya sa family niya.

"And sabi ng mom ko before, 'If your boyfriend or your husband is good to their family, okay.'"

FAMILY GUY. Ano ba ang nagustuhan niya kay Jake?

Sabi ni Inah, “Si Jake kasi, hindi siya mapresko. 

“Hindi talaga siya ganun, and the fact na, yun nga, malaking bagay sa akin kung close ang boyfriend ko sa family niya.

“That’s very, very important sa akin kasi.

“Like what my mom said, kung ano ang boyfriend mo sa family niya, ganun din siya sa ‘yo.

“And I’ve proven that so many times.”

Happiness #LOVE ?????? Happy Weekend ???????? • • #JakeVargas #InahdeBelen #JaInah #couplegoals #goals #loveteam

A post shared by Jake Vargas and Inah de Belen (@jainahlovers) on

Ilang beses na rin daw nakapunta si Inah sa Subic kasama si Jake, lalo na kapag mayroong special occasions.

Pinapayagan naman daw siya ng ina niyang si Janice de Belen.

Nakasama na rin ni Inah ang pamilya ng binata noong sila ay nagpuntang Sagada.

Ayon kay Inah, isa ito sa hindi niya malilimutang karanasan.

“Never pa kong nag-out-of-town with friends, sa kanya lang.

“Si Mama kasi, hindi pumapayag sa mga ganun. 

“At saka kapag tingin niya hindi okay ang mga nakapaligid sa akin.”

Sa huli, tinanong ng PEP.ph si Inah kung gaano sila kaseryoso ni Jake sa kanilang relasyon.

Tugon nito, “Serious naman siya, pero parang hindi ko masasabing mature relationship, kasi may mga times na nag-aaway rin kami, sa mga small things lang naman.

“Wala naman kaming serious na pinag-aawayan.

“We fight over petty things. 

“Yung mga usual na pinag-aawayan ng mga mag-boyfriend and girlfriend.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN