Late Senator Miriam Defensor-Santiago appears in Heart Evangelista's dream

IMAGE Noel Orsal / Mark Pimentel

Heart Evangelista has promised that if she and husband Senator Chiz Escudero will be blessed with a baby girl, they will name her 'Miriam,' in honor of their late ninang, Senator Miriam Defensor-Santiago.


Nagyong araw, September 29, ang unang anibersaryo ng kamatayan ni Senator Miriam Defensor-Santiago.

Pumanaw ang matapang na senadora at 2016 presidential candidate noong umaga ng September 29, 2016.

Si Senator Miriam ay 71 years old nang sumakabilang-buhay dahil sa cancer.


Stories We Are Tracking

Miriam Defensor Santiago dies at 71
Miriam Defensor Santiago dies at 71
Heart Evangelista pays tribute to late Senator Miriam
Heart Evangelista pays tribute to late Senator Miriam
Heart to Sen. Miriam: 'Goodbye...until we meet again.'
Heart to Sen. Miriam: 'Goodbye...until we meet again.'
Asia's Iron Lady finally laid to rest
Asia's Iron Lady finally laid to rest

Noong nakaraang linggo ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kaibigan at inaanak sa kasal ni Senator Miriam na si Heart Evangelista.

Ayon sa 32-year-old actress, nagparamdam ang yumaong senadora sa kanyang panaginip.

Kuwento ni Heart, “You know, one time, parang may pinagdadaanan ako nun, e.

"So, parang I felt na... kasi she was always the one na parang... number one defender ko yun, e.

“So, sabi ko, parang sad ako nung day na yun, parang bugbog ako nung day na yun sa mga hits here and there.

“And then, napanaginipan ko siya.

"Napanaginipan ko siya na hinihintay daw niya ako, kasi magdi-dinner daw kami.

"Tapos, ini-embrace ko siya, amoy na amoy ko yung moisturizer niya.

"May moisturizer siyang scent sa neck niya nung in-embrace ko siya.

“So, yun, parang I felt na that was her way of reaching out to me, which is her death anniversary this coming Friday.”

Pakiramdam daw ng Kapuso actress, assurance ito sa kanya na “everything will be fine.”

Dagdag ni Heart, wala pa ring pagbabago sa hitsura ng senador sa kanyang panaginip.

"Ganun pa rin ang hitsura ng hair niya."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa taping ng pinagbibidahan niyang primetime series sa GMA Network, ang My Korean Jagiya, sa Antipolo, Rizal, noong September 22.

ASKING FOR A SIGN. Ikinuwento rin ni Heart ang isang bagay na sa palagay niya ay paraan ni Senator Miriam upang gabayan pa rin sila ng mister niyang si Senator Chiz Escudero kahit nasa kabilang mundo na ito.

Si Senator Miriam ang naging tulay upang magkakilala sina Heart at Chiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ni Heart, “Actually, one time, I was in my lanai...

"Sometimes you want to test din kung ano ba, totoo ba or what, may pa-teardrops-teardrops pa ako.

“Sabi ko, 'Tita, andiyan ka ba? Is it just like that na, parang, you just leave... na parang wala ka nang pakialam sa amin?'

“Sabi ko, 'Can you send me a sign, I mean, any sign right now?'

"Ang init nun, e. Tapos, biglang wind or something, humangin nang malakas na malakas, na yung mga dahon [gumagalaw].

“Tapos naiyak ako. Kasi that was something, di ba, especially when you asked for it?”

Kaya naman daw kapag nakabuo na sila ni Chiz, at babae ang kanilang maging anak, "Miriam" ang kanilang ipapangalan dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN