Fil-Am Ivan Dorschner explains why he likes the Philippines more than the US

IMAGE Noel Orsal

Kapuso actor Ivan Dorschner on why his life is more fulfilling here in the Philippines compared to his life in the US: "Yung masasabi ko na dahil people here have less, so mas bina-value nila ang pagsi-share ko at yung ibinibigay namin sa kanila."


Para sa Filipino-American actor na si Ivan Dorschner, mas fulfilling ang buhay niya sa Pilipinas kumpara sa buhay niya sa US.

Paliwanag ng Meant To Be star, “Iba kasi ang life ko sa L.A. [Los Angeles], iba siya.

"And masasabi ko na I feel sobra akong fulfilled, yung feeling ko pagdating sa mga ginagawa ko dito.

“In the States, magagawa ko din ang mga ganito, kaya lang, parang mas may effect dito.

"Kasi sa States naman, iba kasi yung temperament ng tao.

“Yung masasabi ko na dahil people here have less, so mas bina-value nila ang pagsi-share ko at yung ibinibigay namin sa kanila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang bloggers ang 27-year-old Kapuso star sa birthday charity niya, kasama ang ilang mga bata mula sa Boy Scouts of the Philippines, noong Lunes, September 25.

Ang event ay inorganisa ng GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network na nagangalaga sa career ni Ivan.


(Ivan Dorschner gets a hug from a fan during his birthday charity at the Boys Scouts of the Philippines headquarters in Manila last Monday, September 25). Photo by Noel Orsal

Halos limang taon nang naninirahan sa Pilipinas si Ivan, na unang nakilala nang maging housemate siya sa Pinoy Big Brother: Teen Clash ng ABS-CBN noong 2010.

Lumipat si Ivan sa GMA Network noong 2016, at nagbida sa defunct primetime series na Meant To Be. Isa siya sa mga naging leading men ni Barbie Forteza.

Sa ngayon, may posibilidad na makasama sa isang upcoming primetime series si Ivan.

Bukod dito, abala rin siya sa paggawa ng mini-documentary tungkol sa specialty jobs sa Pilipinas.

Sabi pa niya, “Jobs na, ‘Ah, meron palang ganyan,’ ‘Ay, oo nga, may job pala ng ganyan.’”

Si Ivan din ang magpoprodyus at magmo-moderate ng naturang documentary na mapapanood sa YouTube.


(Ivan posts with two boy scouts during his birthday charity. Ivan is an Eagle Scout in the US, which is the highest rank given by the Boy Scouting program there.) Photo by Noel Orsal

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STATUS: SINGLE. Samantala, single daw ngayon si Ivan.

“Currently, I’m not seeing anyone. It’s been a little while.

“Sino pa ba magsasabi na time na ito para maghanap? It’s never like that.

"You just keep doing whatever you wanna do. Pag dumating, dumating," sabi niya.

Ang huling napabalitang naging girlfriend ni Ivan ay si Anna Maria de Tagle, Filipino-American actress at apo ng "Queen of Kundiman" na si Sylvia La Torre.

Naghiwalay sina Ivan at Anna Maria noong 2016.

Hindi sigurado kung gaano katagal sila naging magkasintahan, pero nagsimulang mag-post si Ivan ng mga larawan nila ni Anna Maria noong 2014.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN