Carla Abellana on wedding plans with Tom Rodriguez: "Ay, hindi ko po alam! Only God knows!"

IMAGE Noel Orsal

When asked if Carla Abellana and boyfriend Tom Rodriguez have any plans of tying the knot soon, the actress exclaimed, "Ay, hindi ko po alam! Only God knows."


Nabanggit ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Carla Abellana ang reaksiyon ng amang si Rey “PJ” Abellana nang ma-interview namin ang aktor sa presscon ng Kapuso primetime series na Alyas Robin Hood noong Agosto.

Ayon kay PJ, papayag siya kung magpapaalam nang magpakasal si Carla, 31, at ang boyfriend nitong si Tom Rodriguez, 29.

Ano naman ang masasabi ng Kapuso actress sa tinuran ng ama?

“Si Papa… nakakatuwa. Mabait si Papa, e,” nakangiting sagot ni Carla.

Ngunit alam daw ng kanyang ama na prayoridad muna ngayon ni Carla ang career.

“Korek! Alam niya. Buti at least si Papa knows naman din.

“Kumbaga, hindi na kami kailangang pagsabihan ni Papa [na career first].”

Pero hanggang kailan ba sila magiging focused ni Tom sa kani-kanilang career?

Tugon ni Carla, “Ano naman din, of course nandiyan din naman yung age.

“Siyempre, hindi na kami bumabata.

“Mahirap na rin, especially pag babae din, may mga complications na ‘yan pagka lalong ide-delay.

“Siyempre, we’re fully aware naman of that naman.”

Dagdag pa niya, “Pero hangga’t kaya lang naman.

“We’re not saying naman na i-delay siya ng as long as possible, pero hangga’t kaya pa siyang isasantabi muna.”

Next year ba ay posibleng may kasalan nang maganap?

“Ay, hindi ko po alam! Only God knows!” natawang sagot ni Carla.

Dagdag pa niya, “Wala, wala pang plans sa date.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa taping ng Magpakailanman, sa Angelicum College, Quezon City, noong Miyerkules, September 27.

PLAYING LAWYER. Sa episode na ito ng Magpakailanman, kung saan siya ang bida, ay gaganap si Carla bilang isang human rights lawyer.

Maraming beses nang nakapag-guest si Carla sa Magpakailanman. Ano ang pagkakaiba ng role niya sa naturang episode kumpara sa mga nakaraan?

“Ang kakaiba dito is yung pagiging ironic, I guess, ng buhay niya, na women’s rights lawyer siya, tapos yung asawa niya mismo yung nananakit at nang-aabuso ng mga kababaihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman natin gustong sabihin na nakakatawa, kasi ironic, pero more on nakakagulat lang na may ganun pala!

“And yung kanyang father, abusive din.

“Kaya iyon yung naging motivation niya kaya siya naging abugado.

"Pero iyon din ang naging ending ng buhay niya—na na-in love siya sa isang ano din, manloloko din ng babae, nananakit din ng babae."

Patuloy pa ni Carla tungkol sa kaniyang karakter, “Lagi siyang napapaligiran ng ganung klaseng lalaki.

“So, iyon yung twist doon sa istorya. Very ironic.”

Kasama ni Carla sa episode na ito sina Lotlot de Leon, Neil Ryan Sese, at Mon Confiado.

Ang episode ay idinirek ni Adolf Alix Jr.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN