Arzaylea Rodriguez denies she initiated IG convo with Senator Manny Pacquiao

IMAGE Instagram @arzaylea / @mannypacquiao

Social media sensation Arzaylea Rodriguez breaks silence over reported IG convo with Senator Manny Pacquiao: "he came into my instagram live very unexpectedly. i definitely didn't engage in conversation with him first..."


Mariing pinabulaanan ni Arzaylea Rodriguez na siya ang nag-umpisa sa pakikipag-chat kay Senator Manny Pacquiao sa live streaming session sa Instagram story ng 22-year-old social media sensation.

Taliwas ito sa pahayag ni Pacquiao na nauna si Arzaylea na bumati sa senador nang makita umano ng dalaga ang Instagram notification na sumali ang actor-politician sa panonood ng live streaming session.

Pahayag ni Arzaylea: “he came into my instagram live very unexpectedly.

"i definitely didn’t engage in conversation with him first...”

Ito ang sagot ni Arzaylea sa tweet ng ABS-CBN News na kalakip ang video interview ni Pacquiao tungkol sa kumalat na screencaps ng pakikipag-chat ng senador sa Instagram.

Nakasulat sa tweet ang mga katagang: “WATCH: Sen. Pacquiao admits commenting on live video of IG star Arzaylea Rodriguez; says Rodriguez was first to engage conversation with him”

Base sa kumalat na screencap, ang halos magkasunod na mensahe ni Pacquiao na “Hello!” at “Where are you from?” ang tanging nakunan.

Hindi malinaw kung anumang sinabi ni Arzaylea bago o pagkatapos ng mensahe ng Pambansang Kamao.

Gayunman, iginiit ni Pacquiao na "walang malisya" sa pakikipagpalitan niya ng mensahe sa social media sensation na naninirahan sa U.S.

Katuwiran ng 38-year-old senator, “Lahat naman, puwedeng makipag-usap sa ‘kin live. Wala namang malisya dun.”

SEPARATE IG CHAT INCIDENT. Sa kabilang banda, hindi ito ang unang pagkakataong sumali si Pacquiao sa live streaming session ng isang vlogger nakabase sa U.S.

Kahapon, Setyembre 28, naiulat din ang pakikipag-chat ng senator-boxing champ sa American vlogger na si Ria Chiuffo, na may Instagram account na @chicksintheoffice.

Si Ria ay reporter ng satirical sports blog na Barstool Sports.

Makikita sa screencaps ang mga sumusunod na mensahe ni Pacquiao: "Hello,” “Yes its me thank you,” “I'm fine thank you,” at “You can call me anytime.”

Sa hiwalay na pahayag ng senador, nilinaw nitong ang mensaheng "You can call me anytime" ay sagot niya sa vloggers na nais siyang kapanayamin para sa isang radio station sa New York.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Pacquiao posts comments on 22-year-old's IG live video
Pacquiao posts comments on 22-year-old's IG live video
Pacquiao to American vlogger:
Pacquiao to American vlogger: "You can call me anytime."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN